Connect with us

Concept News Central

Tolentino, handa na sa POC elections

Nick Giongco

Published

on

Nagsumite na ng kanilang certificate of candidacies ang grupo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino para sa nalalapit na POC elections sa Nobyembre.

Naisumite na ni Tolentino — na representante ng Tagaytay at ang cycling chief — ang kanyang kandidatura sa pamamagitan ng email na ginawa rin ng mga miyembro ng kanyang grupo na sina 1st vice president Al Panlilio ng basketball at 2nd vice president Richard Gomez ng fencing.

Si triathlon chief Tom Carrasco — na tatakbong chairman — ay nakapagsumite na rin kasama sina Cynthia Carrion ng gymnastics para treasurer at baseball chief Chito Loyzaga para auditor.

Kasama sa tiket ni Tolentino sina Pearl Managuelod ng muay, Dr. George Canlas ng surfing at Prospero Pichay ng chess.

Nagsimulang mamuno bilang POC president si Tolentino noong kalagitnaan ng 2019 kung saan tinalo niya si athletics chief Philip Ella Juico sa ginanap na isang espesyal na eleksyon matapos magbitiw si Ricky Vargas ng boxing.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement