Connect with us

Concept News Central

Obispo pabor na paiksin ang curfew para sa Simbang Gabi

Raymart Lolo

Published

on

Hiniling ni Manila Bishop Broderick Pabillo sa gobyerno na paiksiin ang implementasyon ng curfew para mabigyan ng pagkakataon ang mga magsisimba na dumalo sa taunang Simbang Gabi bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan.
“We are asking that they adjust the end of the curfew to 3:30 a.m. during those days of Simbang Gabi and no curfew on Dec. 24 evening,” sabi ni Pabillo.
Idinagdag ni Pabillo na mas maraming misa rin ang mai-iskedyul para maiwasan ang overcrowding.
“More mass services will make way for physical distancing. If there are more masses, the crowd will spread,” sabi ni Pabillo.
Kasabay nito, nanawagan si Pabillo sa Inter-Agency Task Force na payagan ang 30 porsiyenteng kapasidad  sa tradisyunal na siyam na araw na Simbang Gabi.
Matatandaang pinayagan ng IATF ang 10 porsiyentong kapasidad para sa mga pagtitipon ng Simbahan sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ), kagaya ng Metro Manila.
“We hope they can change it. Churches are bigger compared with restaurants where 30 to 50 per cent capacity is allowed,” sabi ni Pabillo.
Magsisimula ang Simbang Gabi sa 16 Disyembre.
Samantala,  sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may posibilidad na ilagay  ang Metro Manila sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) bago ang kapaskuhan sakaling bumaba ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“We’ll see. If the attack rate and health capacity improve, we can shift to the modified general community quarantine,” dagdag ni Roque.

Advertisement