Connect with us

Concept News Central

Neil Arce binuking ni Angel Locsin: Ayaw niyang ikasal, magkaanak uli

Avatar

Published

on

Neil Arce and Angel Locsin. (YouTube photo)

AYAW magpakasal at ayaw nang magkaanak ng fiancé ni Angel Locsin na si Neil Arce.

Alam daw ng Kapamilya actress-TV host na wala na talagang planong magkaroon ng pamilya ang film producer noong panahong magkatropa pa lang sila.

Ngunit bigla ngang nagbago ang mga plano sa buhay ni Neil nang maging girlfriend na niya si Angel hanggang sa mag-propose na nga siya sa dalaga at yayain na itong maging asawa and eventually maging nanay ng kanyang mga anak.

Nagkuwento ang engaged couple sa kanilang latest vlog sa YouTube tungkol sa pagsisimula ng kanilang kanilang love story at kung paano sila na-develop sa isa’t isa.

Ayon kay Neil, 2010 nang maging friends sila ni Angel, kasama nila sa barkada sina Chito Miranda, Bubbles Paraiso, Paolo Paraiso at iba pa. At makalipas daw ang seven years, na-feel nila na mahal pala nila ang isa’t isa higit pa sa pagiging magkaibigan.

“Nagsimula kami as friends, 2010, after 7 years, we started dating. Actually, marami kaming pinagdaanan as friends.”

Ayon naman kay Angel, “Actually first time ko siyang makita nu’ng nagpunta siya sa bahay namin. Kasi ‘yung grupo namin, grupo ng broken hearted na ang pangalan ay Ampalaya Anonymous kasi lahat kami mga bitter.”

Singit naman ni Neil, “In-invite ako ni Paolo sa bahay niya (Angel), pagdating ko may camping site, sabi ko, magka-camping kami dito sa Don Antonio Subdivision. Sabi ko, okay kanya-kanyang trip, subukan natin. After that, halos araw-araw kaming magkakasama nu’ng mga time na ‘yun, ang dami kasi 7 years, yun ang dami naming dinaanan.”

Ayon kay Angel, “Nakakatawa kasi sa 7 years na ‘yun, ‘Bro’ ang tawagan namin sa isa’t isa. Tapos ako ‘yung taga-set (ng date) sa mga girls niya at takbuhan niya pag may problema siya (sa lovelife). Ganu’n din ako sa kanya. Pag kailangan ko ng sensible kausap, siya ang takbuhan ko.”

Inamin din ng dalawa na may mga adjustments din silang ginawa sa mga unang buwan nila bilang lovers. Siyempre, hindi mawawala ang awkwardness sa mga unang araw ng pagde-date nila.

Nasabi rin ni Angel ang pagkakaroon nila ng compromise ni Neil para mag-work ang kanilang relasyon kabilang na rito ang pananaw noon ni Neil sa pag-aasawa.

Wala na raw plano si Neil na mag-asawa o bigyan ng kapatid ang solo niyang anak na si Joaquin Arce, na 13 years old na ngayon.

“May anak na si Neil. Parang ayaw niyang ikasal. Alam ko yun nu’ng magkaibigan pa lang kami. Ayaw niyang ikasal, ayaw na niyang magkaanak uli.

“So, kinausap ko siya, na parang, inirerespeto ko yung desisyon mo, yung gusto mo sa buhay. Alam ko iyan bago pa ako pumasok sa ganitong situation.

“’Pero paano kung ako, gusto kong magkaanak, gusto kong mag-asawa? ‘Kailangan mong respetuhin din yung desisyon ko.’ So pinag-usapan namin kung paano. Kung ano yung magwo-work para sa amin,” aniya pa.

p: wjg

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement