Connect with us

Concept News Central

Loisa, natsugi sa teleserye

Avatar

Published

on

Mga mars, may mga alingasngas ngayong kumakalat na kaya umano natsugi sa teleseryeng “Bagong Umaga” ng Kapamilya Channel ay dahil nagbago na umano ng management sina Loisa Andalio at ang love team niyang si Ronnie Alonte.

Kasi naman, umugong ang balitang hindi na umano kabilang sa Star Magic ang dalawa at kagaya ni Julia Barretto – na lumipat na rin sa Viva Artist Agency – inalis na rin sila sa bagong teleserye.

Ayon sa kuwento ni Julia, pawang mga Star Magic artists lang daw ang bibida sa serye at naiintindihan niya raw iyon.

Kaya ang ending, ganoon din ang kinahinatnan ng mag-dyowang sina Loisa at Ronnie.

Baka nga hindi para kina Loisa at Ronnie ang proyekto at sabi nga ng business unit head ng programa na si Ms Riza Ebriega, “Baka this is the right casting sa napagdesisyunan.”

Ang binabanggit na right casting ay sina Tony Labrusca, Kiko Estrada, Yves Flores, Michelle Vito, Barbie Imperial at Heaven Peralejo na pumalit sa role ni Julia.

Hindi bale, when a door closes, a window will open… kaya kailangan lang tumingin… char!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement