Connect with us

Concept News Central

Dimples Romana binigyan ng 2-bedroom townhouse ang kasambahay

Avatar

Published

on

Ang bongga naman palang bossing ni Dimples Romana, noh!

Imagine, talagang bumili sila ng asawa niyang si Boyet Ahmee ng isang 2-bedroom townhouse para iregalo sa kanilang kasambahay?!

O, e di ikaw na talaga Dimples ang pinakamabait at pinaka-generous na amo sa buong universe! Hahahaha!

Ayon sa aktres, ang pagbibigay ng bahay sa kanilang kasambahay na si si Vilma o Ate V ay isang pasasalamat sa 17 taong serbisyo nito sa kanyang pamilya, lalo na sa pagmamahal nito sa kanyang mga anak.

Ipinakita ni Dimples sa bago niyang vlog ang ginawa nilang pagsorpresa kay Ate V na aniya’y isa sa biggest blessing na dumating sa buhay nila ni Boyet.

Talagang itinuring na nila itong miyembro ng kanilang pamilya.

Kitang-kita sa video na ipinost ni Dimples ang naging reaksyon ng kasambahay nang malaman na ang tungkol sa sorpresang inihanda ng kanyang mga amo.

Talagang na-shock si Ate V sa regalong townhouse sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan ang maiyak.

Ang drama nina Dimples, isasama nila ang kasambahay para tingnan daw ang bahay na bibilhin nila para parentahan.

Nang dumating na sila roon, isa-isa nilang tsinek ang bawat sulok ng bahay. At dito na nga sinabihan ni Ate V si Dimples na bilhin na ito dahil ang ganda-ganda raw bukod pa sa tahimik at maaliwalas ang paligid.

Pagkatapos ikutin ang first floor, nagtungo na nga sila sa second floor at dito na tumambad sa maswerteng kasambahay ang bonggang surprise na naghihintay sa kanya.

Sa master’s bedroom, nakita ni Ate V ang kanyang standee at ang mga nakadikit na gold letter na mga lobo sa wall na nagsasabing, “OO PARA SAYO ITO.”

Hindi alam ni Ate V kung iiyak ba siya o tatawa sa regalo nina Dimples at Boyet sa kanya, “Oy, ano ba yan? Oy, bakit ako? Para sa akin ba yan?”

Sumagot naman ng oo ang aktres kaya tuluyan nang naiyak ang kasambahay.

Maya-maya hindi na rin napigilan ng mag-asawa ang maluha dahil sa nakitang reaksyon ni Ate V.
“Hala, akala ko…bakit ako? Hindi ko inaasahan. Akala ko ipaparenta ito, bakit sa akin pala? Dimps, ano yan? Di ko inasahan yan, Diyos ko po! Hay, nako, maraming maraming salamat po!
“Ano ba yan? Ano yan? Ano ito? Para akong baliw dito! Thank you, thank you sa inyong dalawa, pati sa mga bata, sina Alonzo at Callie. Baka hindi ko na alam ang timpla ng adobo dahil sa surprise na ito. Walang pasabi, Diyos ko, ginoo, thank you Lord,” ang tuluy-tuloy pang litanya ni Ate V.

Sa kanyang Instagram account, ipinost din ni Dimples ang teaser ng kanyang vlog na may mensaheng, “Itinuring na nya kaming pamilya at pamilya na din namin sya.

“Kasama namin sya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursigi at sa tagumpay. Kasama na namin sya nung nagsisimula pa lang kami.

“Puro dasal at pangarap pa lang kami nun. Nagsisimula pa lang mag-ipon.

“I would always ask her and tell her pwede na nya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her her salary…

“And yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi nya kami iniwan.

“Hindi namin maaabot ang mga pangarap namin, kung walang ‘Ate V’ kaming kaagapay sa araw araw na pamumuhay.

“Mahal na mahal ni Ate V ang mga bata. Punumpuno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos dahil ngayon, maibabalik na namin sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos nya sa amin,” pahayag pa ni Dimples Romana.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement