Connect with us

Concept News Central

‘Bully’ na security guard binaril ng kapwa sekyu

Published

on

Patay ang isa umanong kilalang ‘bully’ na security guard matapos na barilin ng kapwa security guard sa loob ng isang warehouse ng bigas sa Tondo, Maynila, Sabado ng gabi.

Kinilala ng MPD-Homicide section ang biktima na si Steven Morales, 41, isang security guard ng RAN-PMC Compound at residente ng No.27 st. Anthony Phase 2-A Antipolo city .

Dead on the spot si Morales matapos magtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan at leeg.

Naaresto naman ang suspek na si Lemuel John Estrida, 29, ng Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

Nangyari ang insidente ganap na alas-7:10 ng gabi sa loob ng RAN-PMC Compound sa 1613 A. Rivera st. kanto ng Mayhaligue st., Tondo, Maynila.

Napag-alaman na habang naka-duty ang suspek sa warehouse, nilapitan siya ng biktima at sinabihan umano siya na umayos at malapit na ang kanyang oras.

Inamin ni Estrida na napikon at ikinagalit niya ang pahayag ni Morales, dahilan para barilin niya gamit ang kanyang pistola.

Dinala ang Morales sa Jose Reyes Hospital, bagamat hindi na umabot ng buhay.

Hinuli si Estrida ng mga rumespondeng pulis mula sa MPD-Dagupan.  Nakumpiska mula kay Estrida ang kanyang pistola.

Nahaharap si Estrida sa kasong murder.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement