Connect with us

Concept News Central

Micro at small enterprises, pasok sa 13th month pay subsidy

Published

on

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong Biyernes na ang mabibigyan ng subsidiya para sa 13th month pay ay ang mga negosyong kabilang sa tinatawag na micro at small enterprises.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring mapabilang sa mga “distressed” employers ang mga negosyong nasa kategorya ng micro at small businesses subalit kailangang mapatunayan ng mga ito na sila nga ay kabilang sa “micro or small business establishment, tapos nalulugi sila.”

Dagdag pa ng Labor chief, kailangan din ilahad ng mga micro at small businesses kung magkano ang nalugi sa kanila na sa period na covered hanggang sa mag-apply sila ng subsidiya para sa 13th month pay.

Iginiit naman ng Labor department na baka hindi na maisama ang mga medium enterprises sa maaaring tulungan ng gobyerno para sa 13th-month pay subsidy.

“Maganda-ganda ang kanilang katayuan ito ‘yung mga umaabaot sa P100 million ang capitalization nila… so hindi na siguro, micro na lang tsaka small,” saad ni Bello said.

Sa Pilipinas, kinokonsidera ang isang negosyo bilang micro business kapag ang asset size nito ay nasa P3 milyon at may isa hanggang siyam na empleyado, habang ang small business naman ay may asset na mula P3 milyon hanggang P15 milyon at may sampu hanggang 99 na empleyado.

Ayon sa Department of Trade and Industry, ang mga MSME ay ang siyang bumubuo sa 99 porsiyento ng mga business enterprises sa bansa at 60 porsiyento ng kabuuang employment sa bansa ang kasama dito.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement