Concept News Central
May covid sa bansa, lampas 350k na!
Published
2 years agoon

Pumalo na sa 351,750 ang kabuuan na nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 3,139 na panibagong kaso ng nakamamatay na sakit nitong Biyernes.
Ayon sa Health department, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 kahapon kung saan 1,003 ang naiulat na nahawa ng COVID, habang 206 naman ang kaso sa Cavite.
Sa Rizal naman, umabot sa 175 ang naiulat na may sakit, habang nasa 138 ang naitalang kaso sa Laguna at 126 naman ang naitala sa Iloilo.
Samantala, umabot naman sa 294,865 ang gumaling sa nakamamatay na respiratory disease matapos makapagtala ang DoH ng karagdagang 786 na paggaling, habang ang death toll naman at nasa 6,531 na matapos maitala ang 34 katao na namatay sa COVID-19.
Nasa 50,354 naman ang active cases na naitala sa bansa.
Kung matatandaan, inanunsyo ng Health department na bumababa na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pero nagbabala pa rin ang DoH sa publiko na huwag makampante at sundin pa rin ang mga health and safety protocols na inilatag ng gobyerno.
Bumaba na rin sa ranking ang Pilipinas sa mga bansang may COVID kung saan nasa 20th place na ito.
Base sa datos ng OCTA Research Group na kinabibilangan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at University of Santo Tomas, maaari pang umabot sa 380,000 hanggang 410,000 ang bilang ng may COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Oktubre.
Sa buong mundo, 38.9 milyon na ang nahawahan ng COVID-19, ayon sa Johns Hopkins University coronavirus dashboard. Nasa 1,098,434 naman ang namatay at nasa 26.9 milyon naman ang gumaling sa sakit.

LIKE US ON FACEBOOK

Marcos rejects House bill to build Bulacan Airport City

Oil price rollback looms

Defiant Moscow theater shuts doors after final show

TikTok tells US senators data not shared with Chinese Communist Party

Tons of trash choke waterways in Brazil’s Amazon rainforest

HE Tiantian

NBA trades: Gobert to T’Wolves; LaVine stays with Bulls

Inauguration sa Navotas, Valenzuela

Baha sa Malabon, humupa na

Ylona Garcia, may goals

Bongbong’s time to shine

Comply with health protocols, guests urged

Tougher law against human trafficking

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Citizen Rody returns to Davao

SEC shuts down Rappler

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
