Connect with us

Concept News Central

KaTribus todo-suporta sa Daily Tribune mall tour!

Published

on

ANG SM MOA visit ang nagpasimula sa mall tour ng Daily Tribune.

Pinasimulan ngayon ng Daily Tribune ang serye ng mga pagbisita sa iba’t-ibang shopping at commercial malls sa bansa sa pagbisita sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Namigay ng masks, t-shirts, mugs, caps at kung anu-ano pang souvenir ang staff ng pahayagang kilala sa slogan nitong “Without fear, Without favor” sa mga shoppers na mahigpit na tumupad sa social-distancing protocol sa pakikipag-touch base.

Sa dalawang dekada ng pamamahayag, hindi hinayaan ng Daily Tribune na hadlangan ng pandemya ang pakikipag-ugnayan sa mga KaTribu. Marami ang nagpahayag ng pagtangkilik hindi lang sa printed edition ng pahayagan kundi pati ang online platforms nito sa www.tribune.net.ph, sa Facebook, Twitter, Instagram at Viber Group na Katribu.

Bukod sa print at online editions na mababasa ng libre sa press reader, kasama ang kwelang tabloid na ConceptNewsCentral, patok na patok sa kasalukuyan ang maraming digital shows ng Tribune.

Sa FB at sa YouTube Channel na Tribune Now ay mapapanood ang Straight Talk, Spotlight, Pairfect, Athletes’ Tribune, Friday Mixer at cooking show KalanPag.

GAME na game ang mga KaTribu sa pagsunod sa social distancing at iba pang protocol.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement