Concept News Central
Heaven, keri ang bagong role
Published
2 years agoon

Mga mars, abot-langit talaga ang pasasalamat ni Heaven Peralejo nang pagkatiwalaan siyang ipalit kay Julia Barretto sa teleserye na “Bagong Umaga” sa Kapamilya Channel.
Ayon kay Business Unit Head Riza Ebriega, napahanga sila ni Heaven dahil nakayanan nitong bigyang buhay ang karakter na naiwan ni Julia.
Dagdag niya, bagama’t binago nila ang title ng palabas mula sa ‘Cara Y Cruz’ ay walang nagbago sa istorya nito.
Malaki rin umano ang pasasalamat ng TV executive sa ABS-CBN management para sa suporta nito kaya’t kahit maraming naging adjustments sa production ay tiwala siyang nagkataon lamang ito at magugustuhan pa rin ng mga manonood ang kanilang inihandang palabas.
“Naniniwala naman kami na we are supported very much by the management kaya kung anuman ‘yung pinagdaraanan ng bawa’t show every time there’s always a management call and then easily we have to move forward,” paliwanag ng TV executive.
“You know, we believe in our concept, we believe in the show regardless kung ano ‘yung final niya and yes maybe it’s just a timing,” dagdag niya.
Makakasama ni Heaven sa Bagong Umaga ang ilan pang batang aktor na sina Michelle Vito, Yves Flores, Kiko Estrada, Barbie Imperial at Tony Labrusca.
Iikot ang istorya nito sa pagkakaibigan nina Tisay (Heaven), Dodong (Yves), Angge (Michelle), Ely (Tony), Cai (Barbie) at Otep (Kiko) na mapupuno ng pagkukunwari, inggitan, at galit.
Mapapanood ang Bagong Umaga tuwing 2:30 p.m. simula Lunes, 26 Oktubre sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel sa cable at satellite, TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

LIKE US ON FACEBOOK

Defiiant Moscow theater shuts doors after final show

TikTok tells US senators data not shared with Chinese Communist Party

Tons of trash choke waterways in Brazil’s Amazon rainforest

HE Tiantian

NBA trades: Gobert to T’Wolves; LaVine stays with Bulls

Inauguration sa Navotas, Valenzuela

Baha sa Malabon, humupa na

Ylona Garcia, may goals

Christine Bermas, hindi awkward sa eksena

Djokovic eyes Wimbledon last 16

Bongbong’s time to shine

Comply with health protocols, guests urged

Tougher law against human trafficking

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Citizen Rody returns to Davao

SEC shuts down Rappler

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
