Connect with us

Concept News Central

Dyip, pinataob ng Elasto Painters

Published

on

Mga laro ngayon
(AUF Arena)
4 p.m. – Blackwater vs. NLEX
6:45 p.m. – Alaska vs. Magnolia

CLARK — Hindi nahirapan ang Rain or Shine na pataubin ang Terra Firma at itala ang 91-82 na panalo sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Angeles University Foundation Arena dito.

Naitala ng Elasto Painters ang kanilang ikalawang sunod na panalo habang nananatili pa rin sa laylayan ng standings ang Dyip na wala pa ring panalo matapos ang dalawang laro sa Philippine Cup bubble setup.

Apat na Rain or Shine players ang tumapos ng may double figures.

Pinangunahan ni Rey Nambatac ang opensa ng Elasto Painters matapos kumamada ng 19 puntos, habang sina Javee Mocon, Beau Belga at Gabe Norwood ay nag-ambag nang tig-14 na puntos.

Pinilit namang kargahin ng dating Lyceum stalwart na si CJ Perez ang Terra Firma kung saan tumapos siya nang may 26 puntos at sampung rebounds, pero hindi naging sapat ang kanilang opensa.

Samantala, haharapin ng Alaska ang Magnolia ngayong araw sa second game na gagawin sa ganap na 6:45 ng hapon.

Ang NLEX naman, pipiliting makaungos sa Blackwater sa kanilang paghahamok sa first game sa ganap na alas kuwatro ng hapon.

Ayon kay Aces coach Jeffrey Cariaso, ang injury ng ilan sa mga manlalaro niya ay magiging hamon sa kanilang pagharap sa Hotshots.

“I understand the situation we are in right now and there has to be a sense of urgency,” sabi ni Cariaso.

“It’s huge that we were not able to pick up a win in our last two games, but I told them that this is not the time to panic. We have to stay calm and composed because we still have a lot of games ahead of us.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement