Connect with us

Concept News Central

#DefendLizaSoberano trending; vlogger pinakakasuhan

Published

on

LIZA

Trending ang hashtag #DefendLizaSoberano matapos akusahan ng isang vlogger ang Kapamilya young actress na kabahagi na umano ng rebeldeng grupo.

Kasunod nito ang paghikayat kay Liza at sa manager nitong si Ogie Diaz na idemanda ang nasabing vlogger sa malilisyosong pinagsasabi nito sa kanyang YouTube video.

Nag-ugat ang kontrobersya nang maging guest speaker ang aktres sa isang webinar organized by Gabriela Youth, na binubuo ng mga kabataang miyembro ng women’s rights group na Gabriela.

Nagbigay ng personal experience at ng mga kakilala niya sa virtual seminar na pinamagatang “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child.”

Gamit ang isang part ng speech ni Liza sa nasabing webinar, isang vlogger na nagngangalang Maui Becker ang bumanat sa dalaga sa pamamagitan ng kanyang YouTube livestream na may titulong, “LIZA SOBERANO, MIYEMBRO NA NG NEW PEOPLE’S ARMY?”

Kinuwestiyon nito ang pagpayag ni Liza na maging bahagi ng mga proyekto ng Gabriela at sinabihan pa na atupagin na lang ang pagiging artista.

“Intindihin mo na lang ang trabaho mo. Pero sige, kalayaan mo ‘yan pero make sure lang na knowledgeable ka sa mga bagay-bagay,” banat ng vlogger.

Dagdag pa nitong pang-ookray sa dyowa ni Enrique Gil, “Eh, ngayon mukhang wala kang alam na ‘yung Gabriela ay salot sa lipunan, miyembro ng mga terorista at komunista, rebelde, NPA, front ng NPA. At wala kang ka ide-ideya. E kung ganyan na wala kang kaalam alam Liza, e manahimik ka. At hands off our children, Liza, you stupid b****.”

Umalma ang mga fans ni Liza at kanya-kanya silang post sa social media para ipagtanggol ang dalaga hanggang sa maging top trending topic na nga sa Twitter ang hashtag #DefendLizaSoberano.

“I-report natin ang mga ganitong content. Hindi lang dapat #DefendLizaSoberano kundi i-defend natin ang lahat ng mga gustong magsalita laban sa administrasiyon na siyang nila-label naman bilang mga ‘terorista’. #StopTheAttacks,” suggestion ng isang Twitter user.

“Resorting to red-tagging just to discredit Liza Soberano and Gabriela Youth’s efforts to raise awareness on women and children’s issues really shows you how a woman’s voice, one that stands firmly with her sisters and her countrymen, makes fascists quiver,” comment ni @burikalat.

Sunud-sunod naman ang tweet ng manager ni Liza na si Ogie Diaz laban sa vlogger. Hindi man niya pinangalanan, maliwanag na si Maui Becker ang kanyang pinatatamaan.

“Si ateng bading, ubo nang ubo at tila makati ang lalamunan sa kanyang livestream. Pa-swab test ka na kaya.

“Bago mag-redtag, pa-check up mo muna yung ubo at kati ng lalamunan mo. Pa-swab test muna. Baka kung ano na yan, teh,” unang tweet ng talent manager-comedian.

“Si bakla, detalyado nyang naikwento ang galawan sa bundok ng NPA. Ang nakarating sa akin, galing na pala siya dun. Na-shock nga ako sa kwento sa akin, kalokah. #KayaPala,” ang mga bweltang mensahe ni Ogie

Mariin din niyang dinenay na binayaran daw si Liza para magsalita sa Gabriela Youth webinar, “Me ‘money involved’ daw ba yung guesting ng alaga ko?

“Wala po. Ang alam ko, may ‘money involved’ sa mga nagre-redtag sa alaga ko. Monthly daw yan. #workfromhomesila.”

Pinasalamatan din ng talent manager-comedian ang mga nagtanggol kay Liza, “Maraming salamat sa lahat ng pumupuri sa pagpoprotekta ni Liza Soberano sa mga kababaihan at kabataan.

“Ganon talaga ang may tunay na malasakit sa kapwa,” sabi pa ni Ogie Diaz.

Pinayuhan din sina Liza at Ogie na sampahan na ng kaso ang nasabing vlogger para maturuan din ng leksyon. Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag si Maui Becker sa pambabatikos sa kanya.

p/jd

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement