Connect with us

Concept News Central

5.2 magnitude na lindol tumama sa Occidental Mindoro

Published

on

Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Occidental Mindoro ngayong alas-4:06 ng umaga kung saan naramdaman maging sa National Capital Region (NCR).

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang lindol sa 13.77 hilaga, 120.44 silangan ng Looc, Occidental Mindoro na may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang intensity IV sa Calatagan, Batangas; Tagaytay City, Cavite, samantalang intensity III naman sa Carmona, Cavite; Marilao, Bulacan, at Talisay, Batangas.

Bukod dito, niyanig din ng intensity II ang Plaridel, Malolos City, Calumpit, at San Rafael, Bulacan; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Bacoor City; Marikina City; Muntinlupa City; Las Pinas City, at Quezon City.

Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang mga aftershock.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement