Connect with us
Click me!

Concept News Central

‘Ayuda’ hiling ng Ben&Ben para sa 2020 MTV European Music Awards

Avatar

Published

on

Humingi ng “ayuda” ang award-winning OPM group na Ben&Ben sa kanilang mga supporters mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Eh, kasi nga, confirmed na ang magandang balita at hindi ito fake news, ha! Nominated ang Ben&Ben para sa kategoryang Best Southeast Asia Act sa 2020 MTV European Music Awards o EMAs.

Nitong Martes, opisyal nang in-announce ng MTV Asia na napili ang Ben&Ben para makipaglaban sa lima pang artists sa Southeast Asia Act category for this year’s MTV EMAs.

Ang mga makakatunggali nila sa Best Southeast Asia Act ay sina Agnez Mo (Indonesia), Benjamin Kheng (Singapore), K-Clique (Malaysia), Jack (Vietnam), at Violette Wautier (Thailand).

Through their official Twitter page, diretsahang humingi ng tulong ang OPM group sa mga Pinoy all over the world na tulungan silang manalo sa pamamagitan ng online voting.

Nag-start na ang botohan nitong Martes at matatapos sa Nov. 3.

Para sa mga nais bumoto:

Magaganap sa Nov. 8 ang MTV EMAs at kung susuwertihin, magiging ka-level na nila sa nasabing award ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na isa sa mga Filipino singers na nakatanggap na ng nasabing award.

Advertisement