Connect with us

Concept News Central

Heat bumalik ang init, Game 3 sinungkit

Published

on

Nagpasiklab ng triple-double si Jimmy Butler upang akayin ang Miami Heat sa tagumpay kontra Los Angeles Lakers sa GAme 3 ng NBA Finals. (AFP)

Nagbuhos si Jimmy Butler ng triple-double para pangunahan ang Miami Heat sa 115-104 panalo kontra Los Angeles Lakers sa Game 3 ng NBA Finals at maibaba ang pagkakaiwan sa serye sa 2-1 nitong Lunes.

Bumitaw si Butler ng 14-of-20 shooting sa pagkolekta ng 40 points na sinahugan niya ng 13 assists at pagpitas ng 11 rebounds para sa Heat, na naisalba ang sarili mula sa pagkakalugmok matapos isuko ang unang dalawang laro.

“We know how Jimmy is in these moments, and the world has seen what Jimmy Butler is capable of and he just played tremendous for us,” patungkol ni Miami rookie sensation Tyler Herro sa kanilang ace player.

“He did everything, obviously. Ran the offense all the way through him, made play after play, bucket after bucket,” dagdag pa niya. “And defensively, guarding LeBron (James), making it tough on him … we were all following him.”

Ngunit para kay Butler, buong tropa ang nagtrabaho para masungkit ang panalo.

“I think LeBron has got the best of me way too many times,” ani Butler. “I respect the guy for it, but this is a different time now, a different group of guys that I have around me, and we are here to win. We are here to compete.

“We’re not going to lay down, we’re going to fight back in this thing.”

Nagawa ng Heat na makaisa kahit pa pilay sa tauhan dahil sa injury na natamo nina starting center Bam Adebayo at point guard Goran Dragic noong Game 1. Inamin ni Heat coach Erik Spoelstra bago ang laro na ‘di pa tiyak kung kailan makakabalik ang dalawa.

Bumakas sina Herro at Kelly Olynyk ng tig-17 puntos, si Duncan Robinson ay may 13 habang si Jae Crowder ay nag-ambag ng 12 points at walong boards para sa Miami.

Ang Game 4 ay sa Miyerkules.

Nanguna para sa Lakers si James sa kanyang 25 points, 10 rebounds at walong assists habang nanlamig naman si Anthony Davis sa 15 points at limang rebounds. Nagsara si Kyle Kuzma at Markieff Morris ng tig-19 points para sa Los Angeles.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement