Connect with us

Concept News Central

PBA bubble, hindi mabubutas

Bea Micaller

Published

on

Ngayong mayroon nang go signal ang Philippine Basketball Association (PBA) upang makapagsimulang muli ng kanilang naudlot na season, ipinangako ng liga na susundin nito lahat ng mga inilatag na health and safety protocols sa bansa.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, nag-commit na ang labindalawang koponan na susundin ang mga protocols kapag nagtungo na sila sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa tulong ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon, nabigyan ng provisional authority ang PBA mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang simulan ang season sa Oktubre 11.

Mababawi lamang umano ang provisional authority kung mayroong magpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19), pero hindi ito hahayaan ni Vargas at PBA commissioner Willie Marcial.

“Just like what the commissioner said, if we are going to have a bubble and we are not going to give everything we can for this, then we might as well call it off,” sabi ni Vargas. “They are committed to the bubble. The players are all committed.”

Ayon pa sa PBA chairman, nag-pledge din umano si Dizon na iko-cover nila ang weekly COVID testing ng mga delegado na aabot sa 350 kabilang ang mga players, coaches, team managers, PBA staff at media.

“Stay Safe is a monitoring system that will do contact-tracing and will allow us to know where the players are and if there’s a proper distancing,” sabi ni Vargas.

Ayon naman kay Dizon, nakalatag na ng maayos ang mga safety protocols para sa pagsisimula ng liga.

“You can count on us when we say that players, coaches and teams are guaranteed to be safe and secure while inside the bubble in Clark,” sabi ni Dizon.

“We are happy and you know why — because we can bring back basketball,” sabi naman ni Vargas. “That’s our motivation. We were able to find ways to bring it back even on a financial basis where the PBA will support based on its cash flow. This is for the fans. It’s about time to give back to our fans.”

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement