Connect with us

Concept News Central

KONTI LANG!

Avatar

Published

on

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa lampas limang libong drug suspects ang nasawi sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon sa PDEA, 5,856 umano ang mga namatay simula noong inumpisahan ng Duterte administration ang drug war na mas kaunti umano kaysa sa mga ibinabalita ng ilang mga non-government at rights groups sa bansa.

Sa datos mula sa PDEA, nasa 176, 777 ang kabuuang anti-illegal drugs operations na isinagawa simula noong Huly 1, 2016 hanggang Agosto 31 2020 at 256,788 na mga drug suspects ang umano’y naaresto.

Sa kabuuan nang mga naarestong indibiduwal, nasa 10,308 ang kinonsidera bilang high value targets kasama ang 282 foreign nationals, 352 elected officials, 102 uniformed personnel, 431 government employees, 2,957 listed targets, 746 drug group leaders at members, 66 armed group members, 986 drug den maintainers, 229 listed wanted individuals, 16 celebrities at prominenteng personalidad at 4,141 mula sa high-impact operations.

Sinabi rin ng PDEA na nasa kabuuang P43.69 bilyong halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng ahensya, habang nasa 620 dens at mga tinatawag na clandestine laboratories ang nabuwag sa mga operasyon.

Ayon pa sa anti-illegal drugs agency, nasa kabuuang 20,165 barangays ang nalinis na habang 14,171 pa ang kasalukuyang nililinis mula sa illegal drugs.

Nasa 3,322 na mga kabataan naman na umano’y sangkot sa mga illegal drug activities ang nasagip ng ahensya.

Kung matatandaan, naging kritikal ang oposisyon at mga kritiko ng administrasyon – kabilang ang ilang local at international human rights groups dahil umano sa mga nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Malayong-malayo umano ang datos ng PDEA sa mga nailabas na datos ng ilang non-government organizations, human rights groups, activists at ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UNHCR) kung saan nasa 27,000 na umano ang namatay.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement