Connect with us

Concept News Central

Glaiza, sinorpresa ng BF

Avatar

Published

on

Isang masayang sorpresa ang bumulaga sa aktres na si Glaiza de Castro mula sa kanyang Irish boyfriend.

Isang anniversary surprise kasi ang inihanda ng kanyang BF na si David Rainey na nakabalik na sa Ireland matapos maipit sa lockdown dito sa Pilipinas bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

Inabutan na kasi ng lockdown si David at nanatili siya ng ilang buwan sa Baler, Aurora kasama ang pamilya ni Glaiza pero dahil dun, nagkaroon sila ng mahabang panahon ng Kapuso actress para mas makilala pa ang isa’t isa.

At kahit long distance relationship na ang peg ng dalawa, may pasabog pa rin ang boyfriend ni Glaiza para sa kanilang anniversary.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Glaiza ang isang video kung saan nagpunta siya sa tabing-dagat at bumungad sa kanya ang bouquet of flowers at isang body pillow na may mukha ni David.

Lalo tuloy na-miss ni Glaiza ang kanyang BF at inamin din niya na kung minsan ay inaatake pa rin siya ng “sepanx” o separation anxiety mula nang umalis si David sa Baler.

“This morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now. I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol,” sabi ng caption ni Glaiza.

“Maraming salamat at mahal kita. Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang,” dagdag niya.

Sa isa pa niyang IG post, ipinakita rin ng dalaga ang kanyang litrato sa beach habang hawak ang bulaklak na ibinigay ni David habang katabi ang unan na may mukha ng boyfriend.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement