Connect with us

Concept News Central

PBA, magbabalik na

Bea Micaller

Published

on

Sa wakas, nasagot na rin ang panalangin ng Philippine Basketball Association (PBA).

Inanunsyo na ni PBA chairman Ricky Vargas na nakakuha na umano sila ng provisional authority mula sa Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang mabuksan na ang naudlot na 45th season ng liga.

Ayon kay Vargas, nakuha nila ang provisional authority sa tulong ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon matapos ang kanilang pagpupulong ng mga opisyales ng IATF kasama si PBA commissioner Willie Marcial.

“This is a happy event,” sabi ni Vargas. “We are happy to announce that, through the help of Sec. Dizon, we have secured the provisional approval of the IATF.”

Dahil sa provisional authority, ang PBA na ang kauna-unahang liga sa Pilipinas na makakabalik-laro sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon naman kay Dizon, mas istrikto umano ang mga health protocols na inilatag ng PBA kaysa sa inilatag ng Joint Administrative Order (JAO) group na kinabibilangan ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board kaya binigyan na ito ng provisional authority.

“The current issue here is that the protocols stated in JAO are different from the protocols set by the PBA for the bubble,” sabi ni Dizon. “We just need to amend the protocols and with the provisional approval, we now have the authority to begin the bubble.”

Ayon naman kay Marcial, inilatag na niya ang kanilang mga plano para sa gagawing season – simula sa petsa ng pagbubukas, competition format, venue, hotel, logistics, budget at COVID testing.

Kasama sa plano ng PBA ang pagbabahay ng 350 delegates na kasama ang mga players, coaches at team officials mula sa labindalawang koponan sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone hanggang Disyembre.

Ang mg laro ay gagawin umano sa Angeles University Foundation gymnasium simula Oktubre 9.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement