Connect with us

Concept News Central

Maine, may makabuluhang mensahe

Avatar

Published

on

May makabuluhang mensahe ang aktres at TV host na si Maine Mendoza para sa mga taong nakikipaglaban sa mental health problems matapos ipalabas ang isang episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga kamakailan.

Sa kanyang Twitter posts, inisa-isa ni Maine ang mga hakbang para sa tamang pakikitungo sa tao at kaibigang nakararanas ng ganitong uri ng problema.

“Paalala lang din sa lahat, na gaano man ‘kababaw o kaliit’ sa mata natin ang pinagdadaanan o ang problema ng iba, wala tayong karapatan na sabihan sila ng dapat nilang maramdaman. Hindi talaga natin malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kung hindi tayo ang nasa lugar nila,” sabi ni Maine.

Dagdag ng aktres at TV host, kailangang matuto ang bawat isa na irespeto ang nararamdaman ng mga taong may pinagdaraanan sa buhay.

“Huwag natin isawalang-bahala yung nararamdaman ng iba dahil lang iba ang pananaw natin sa kanila. Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat ang mga ito para sa kanila. Diba nga, iba-iba tayo ng laban,” saad ni Maine.

“Malaking bagay ang presensya natin, pakikinig natin, pagtanong ng ‘kamusta ka?’ para sa mga taong may pinagdadaanan at hindi man natin alam ang problema o dinadala ng mga kasama natin, malaking tulong na yung nandyan tayo para ipaalam at IPARAMDAM sa kanila na handa tayong makinig – na hindi sila nag-iisa at nandito tayo para damayan sila. Mahigpit na yakap sa lahat! Kapit lang tayo. Laban lang!” sabi ni Maine.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement