Connect with us

Concept News Central

Palasyo, may plano na sa COVID

Avatar

Published

on

Iginiit ng Malakanyang na may mga hakbang nang ginagawa ang pamahalaan upang masawata ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa kabila ng mga pahayag ni Vice President Leni Robredo.

Nitong Martes, ipinakita ng Bise Presidente sa pamamagitan ng isang social media post ang pag-aaral ng medical journal na The Lancet kung saan mayroon na umanong 19 na bansa na nakokontrol na ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa The Lancet, ang mga bansang ito ay kinabibilangan ng Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba at Rwanda.

Idiniin pa ni Robredo na dapat ay ganoon din ang gawing hakbang ng pamahalaan upang masawata ang pagkalat COVID-19.

Pero sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, matagal nang ginagawa ng pamahalaan ang sinasabi ni Robredo.

“Iyan nga po ay ginagawa na naman natin. Pahingi po ng bago Vice President dahil ‘yan po ngayon ay ginagawa na ng pamahalaan. Kung hindi po tayo gumawa ng hakbang nga 3 million na po ang kaso natin as of June pa lang,” sabi ni Roque.

“Hindi po perpekto, pero sa tingin ko po mga bulag at mga bingi lang ang hindi nakakakita doon sa mga ginawa ng gobyerno para ma-control nga ang COVID habang wala pang bakuna,” dagdag niya.

Kung matatandaan, hinamon ni Roque si Robredo na mag-isip ng solusyon laban sa COVID-19 crisis kahit wala pang nadedevelop na bakuna at kung magagawa ito ng Bise Presidente ay baka maging Presidente siya bigla ng Pilipinas.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement