Connect with us

Concept News Central

Hindi nalilimutan

TDT

Published

on

Ginulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat nang igiit niya sa kanyang talumpati sa United Nations (UN) General Assembly ang arbitral victory ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea.

Sa isang makasaysayan at kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang Pangulo sa UN General Assembly na dati ay pawang mga proxy lamang ang kanyang ipinadadala.

Sabi ni Duterte, parte na ng international law ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, kung saan iginawad sa Pilipinas ang karapatan nito sa pinagtatalunang mga teritoryo sa South China Sea.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati. “We firmly reject attempts to undermine it.”

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga bansang sumusuporta sa panalo ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This — as it should — is the majesty of the law,” sabi ni Duterte.

Hindi naman natin na siguro maikakaila na hindi nakakalimutan ng Pangulo ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea at patunay ang kanyang mga binitiwang salita sa harap ng UN General Assembly.

At dahil dito, umani naman ng papuri ang Pangulo maging sa mga personalidad na kritikal sa gobyerno pagdating sa usapin ng mga disputed territories sa kabila nang mga naunang pahayag ng mga ito na walang ginagawa ang Pangulo ukol dito.

Pero sa kabila ng mga papuring natanggap ng Pangulo, may ilan pa rin siyempre ang may nasasabi pa ring hindi maganda ukol sa ginawa ni Duterte sa UN General Assembly.

May mga nagsasabing “grandstanding” lang ang ipinakita ng Pangulo dahil hindi nila sigurado kung may iba pang gagawin ang Pangulo bukod sa paggiit nito sa karapatan ng Pilipinas.

Ang iba naman sinasabing mukhang may iba pang plano ang Pangulo na taliwas sa kanyang sinasabi.

Pero kung kami ang tatanungin, ipinakita lang ng Pangulo ang katapangan niya sa harap ng UN General Assembly dahil hindi siya natakot igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga disputed territories.

Ang ginawa ng Pangulo sa harap ng UN General Assembly ay patunay lamang na hindi nalilimutan ng pamahalaan ang karapatan nito sa mga teritoryo sa South China Sea, taliwas sa sinasabi ng kanyang mga kritiko.

Kaya mas makakabubuting suportahan din natin ito.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement