Connect with us

Concept News Central

Tenorio, may agam-agam sa bubble

Bea Micaller

Published

on

Kung siya ang tatanungin, nag-aalangan pa rin si Barangay Ginebra star point guard LA Tenorio sa napipintong pagbabalik-laro sa PBA dahil inaalala niya ang kanyang maiiwang pamilya sa oras na sumabak na sila sa bubble setup kung saan mananatili ang lahat ng koponan sa Clark Freeport Zone.

Ayon kay Tenorio – na hindi pa nakakamiss kahit isang laro simula noong napunta siya sa PBA noong 2006 – paniguradong magkakaroon siya ng problema.

“In the earlier part of the bubble discussion, I was excited because after six months, I can finally play basketball,” sabi ni Tenorio sa panayam ng online show na The Athletes’ Tribune.

“But as discussion furthers, I was experiencing anxiety knowing that I will be gone for almost three months.”

Ang bubble setup ng PBA ay gagawin sa Angeles University Foundation habang ibabahay naman ang mga manlalaro sa Quest Hotel sa loob ng higit dalawang buwan.

Nauna nang nagsabing hindi makakasama sa bubble setup si NLEX stalwart Larry Fonacier at ayon kay Road Warriors coach Yeng Guiao, pinayagan nila si Fonacier dahil may health issues umano ang asawa nito.

“Yes, we excused him. His wife has health issues,” sabi ni Guiao. “The team and management understand his situation. Family is always a priority.”

Si Tenorio naman, nag-aalala dahil kasisilang pa lamang ng kanyang unang anak na babae.

“I think it will really be hard because I will be away from them for months. But I already talked to my family and they understand the situation,” sabi ni Tenorio. “Honestly, I am thinking twice, but I think I really have to do this (not only) for the team but also as a professional basketball player.”

“This is our job so we really have to do it,” dagdag niya.

Advertisement