Connect with us

Concept News Central

Maureen Larrazabal, COVID-free na!

Avatar

Published

on

Laking pasasalamat ng aktres at comedienne na si Maureen Larrazabal at naka-survive siya matapos tamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Kung matatandaan, nagpositibo siya sa nakamamatay na respiratory disease pero bago niya nalaman na positibo siya ay nagself-isolate na rin siya nang makaramdam ng ilang sintomas ng COVID-19.

Pero ngayon, ngiting tagumpay ang comedienne dahil negative na ang resultang nakuha niya mula sa huli niyang swab test.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maureen ang kasiyahan niya.

“After being tested positive…I’m finally covid free split na kaPepimi ni covid #blessedbeyondmeasure #2monthsbattle #Grateful #GODISGREAT,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Ayon pa sa kanya, sa lahat ng pinagdaanan niya ay talagang laging nakaalalay at nakasuporta ang mga kasamahan niya sa “Pepito Manaloto” lalo na ang pamilya ni Michael V.

Ikinuwento din niya ang kanyang karanasan sa paglaban sa COVID-19at kung paano ipinadama ng mga katrabaho niya sa Kapuso sitcom na hindi siya nag-iisa.

“Ito ‘yung last taping ko with Pepito na naka-quarantine ako at naka-isolate, because I’m COVID positive. Very grateful kasi ang pagkatao ko, sa totoo lang, and this time mas naramdaman ko ‘yung pasasalamat ko sa show, pasasalamat ko sa lahat,” sabi ni Maureen.

“’Cause kahit mayroon akong sakit, hindi nila ako binitawan. Sama-sama kami all together, pinag-taping pa rin nila ako. I’m working from home, tinuruan nila ako how’s it done,” dagdag niya.

“Sinuportahan nila ako all the way na mararamdaman mo talaga na may puso talaga sila, hindi lang sila katrabaho. Mga Kapuso talaga. Yan, naiiyak ako,” ang emosyonal pang sabi ng komedyana.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement