Connect with us

Concept News Central

Nasawing Pinoy sa Beirut blast, nadagdagan

Avatar

Published

on

Pumalo na sa apat ang mga Pilipinong nasawi sa nakapangingilabot na pagsabog sa Beirut, Lebanon nito lamang nakaraang araw.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Arriola, nalulungkot at nababahala na rin sila sa mga pangyayari.

“The higher figure comes as our embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,” sabi ni Arriola kahapon sa isang pahayag.

Dagdag pa ni Arriola, tumaas na din sa bilang ng mga Pinoy na nasagutan sa malagim na trahedya na umabot na sa tatlumpu’t-isa.

Sinabi naman ni Philippine Embassy Charge d’affaires Ajeet Panemanglor na dalawa sa mga nasugatan ay malubha ang kalagayan.

“They are confined and are being monitored at Rizk Hospital,” sabi ni Panemanglor.

Ayon sa mga naunang imbestigasyon, sinasabing ang mga nakaimbak na tone-tonedang ammonium nitrate na nasa isang bodega ang pinagmulan ng pagsabog na kumitil na sa buhay ng mahigit 100 katao at nakasugat ng mahigit 5,000 iba pa.

Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa mga Filipino community sa Beirut at tiniyak na tutulong sa kanilang ang pamahalaan, ayon kay Arriola
“The DFA reaffirms its commitment to bring the much needed support and assistance to our kababayans specially at this hour of need,” sabi ni Arriola.

Tinatayang 33,000 ang mga Pinoy na nasa Lebanon at 75 porsiyento sa kanila ay nasa greater Beirut area.

Advertisement

Concept News Central

KONTI LANG!

Avatar

Published

on

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa lampas limang libong drug suspects ang nasawi sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon sa PDEA, 5,856 umano ang mga namatay simula noong inumpisahan ng Duterte administration ang drug war na mas kaunti umano kaysa sa mga ibinabalita ng ilang mga non-government at rights groups sa bansa.

Sa datos mula sa PDEA, nasa 176, 777 ang kabuuang anti-illegal drugs operations na isinagawa simula noong Huly 1, 2016 hanggang Agosto 31 2020 at 256,788 na mga drug suspects ang umano’y naaresto.

Sa kabuuan nang mga naarestong indibiduwal, nasa 10,308 ang kinonsidera bilang high value targets kasama ang 282 foreign nationals, 352 elected officials, 102 uniformed personnel, 431 government employees, 2,957 listed targets, 746 drug group leaders at members, 66 armed group members, 986 drug den maintainers, 229 listed wanted individuals, 16 celebrities at prominenteng personalidad at 4,141 mula sa high-impact operations.

Sinabi rin ng PDEA na nasa kabuuang P43.69 bilyong halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng ahensya, habang nasa 620 dens at mga tinatawag na clandestine laboratories ang nabuwag sa mga operasyon.

Ayon pa sa anti-illegal drugs agency, nasa kabuuang 20,165 barangays ang nalinis na habang 14,171 pa ang kasalukuyang nililinis mula sa illegal drugs.

Nasa 3,322 na mga kabataan naman na umano’y sangkot sa mga illegal drug activities ang nasagip ng ahensya.

Kung matatandaan, naging kritikal ang oposisyon at mga kritiko ng administrasyon – kabilang ang ilang local at international human rights groups dahil umano sa mga nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Malayong-malayo umano ang datos ng PDEA sa mga nailabas na datos ng ilang non-government organizations, human rights groups, activists at ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UNHCR) kung saan nasa 27,000 na umano ang namatay.

Continue Reading

Concept News Central

Bilang ng presinto, doblehin na – Monsod

Avatar

Published

on

Kaysa isulong ang pagpapaliban sa 2020 national elections, dapat umong dagdagan na lamang ng Commission on Elections (Comelec) ang bilang ng polling precincts para masunod ang health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay dating Comelec chief Christian Monsod, mas makabubuting doblehin na lamang ang bilang ng mga presinto upang hindi magkaroon ng problema sa pagsunod sa mga inilatag na health protocols ng gobyerno laban sa COVID-19.

“The Comelec can conduct elections in more precincts. There are enough teachers. There are provisions in the law who can be substitute teachers if there are not enough in the area and then you have the citizens arm,” saad ni Monsod.

Dagdag niya, dapat din umanong pag-aralan ng Comelec kung ang pagpapaliban ng eleksyon ang solusyon dahil marami pa naman umanong magagawa upang masigurong matuloy ang national elections sa ligtas na paraan.

“Damihan nila yung presinto, double the number of precincts or add 50 percent more precincts. They can do that,” ani Monsod.

Kung matatandaan, sinabi ng Comelec na pinaghahandaan na nitong gawing dalawang araw o higit pa ang botohan sa Mayo 9 sakaling magtutuloy-tuloy pa rin ang COVID-19 pandemic hanggang 2022.

“Yung sinasabi nilang two days, three days baka masyadong masikip, walang distancing, eh ‘di increase the number of precincts. There are solutions,” saad ni Monsod at dagdag niya, dati nang nagawa ito ng Comelec.

“They have increased the number of precincts so that the number of registered voters can be reduced at mare-respect yung distancing,” sabi ni Monsod.

Samantala, naniniwala naman si Monsod na hindi mag-aappoint si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong opisyal ng Comelec na posibleng magsulong sa pagpapaliban ng halalan.

“Let’s not jump to conclusions naman that the president will automatically appoint people who will do his bidding. Siguro naman maraming qualified people na hindi tuta,” sabi ni Monsod.

Continue Reading

Concept News Central

PBA bubble, hindi mabubutas

Bea Micaller

Published

on

Ngayong mayroon nang go signal ang Philippine Basketball Association (PBA) upang makapagsimulang muli ng kanilang naudlot na season, ipinangako ng liga na susundin nito lahat ng mga inilatag na health and safety protocols sa bansa.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, nag-commit na ang labindalawang koponan na susundin ang mga protocols kapag nagtungo na sila sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa tulong ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon, nabigyan ng provisional authority ang PBA mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang simulan ang season sa Oktubre 11.

Mababawi lamang umano ang provisional authority kung mayroong magpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19), pero hindi ito hahayaan ni Vargas at PBA commissioner Willie Marcial.

“Just like what the commissioner said, if we are going to have a bubble and we are not going to give everything we can for this, then we might as well call it off,” sabi ni Vargas. “They are committed to the bubble. The players are all committed.”

Ayon pa sa PBA chairman, nag-pledge din umano si Dizon na iko-cover nila ang weekly COVID testing ng mga delegado na aabot sa 350 kabilang ang mga players, coaches, team managers, PBA staff at media.

“Stay Safe is a monitoring system that will do contact-tracing and will allow us to know where the players are and if there’s a proper distancing,” sabi ni Vargas.

Ayon naman kay Dizon, nakalatag na ng maayos ang mga safety protocols para sa pagsisimula ng liga.

“You can count on us when we say that players, coaches and teams are guaranteed to be safe and secure while inside the bubble in Clark,” sabi ni Dizon.

“We are happy and you know why — because we can bring back basketball,” sabi naman ni Vargas. “That’s our motivation. We were able to find ways to bring it back even on a financial basis where the PBA will support based on its cash flow. This is for the fans. It’s about time to give back to our fans.”

Continue Reading

Concept News Central

Glaiza, sinorpresa ng BF

Avatar

Published

on

Isang masayang sorpresa ang bumulaga sa aktres na si Glaiza de Castro mula sa kanyang Irish boyfriend.

Isang anniversary surprise kasi ang inihanda ng kanyang BF na si David Rainey na nakabalik na sa Ireland matapos maipit sa lockdown dito sa Pilipinas bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

Inabutan na kasi ng lockdown si David at nanatili siya ng ilang buwan sa Baler, Aurora kasama ang pamilya ni Glaiza pero dahil dun, nagkaroon sila ng mahabang panahon ng Kapuso actress para mas makilala pa ang isa’t isa.

At kahit long distance relationship na ang peg ng dalawa, may pasabog pa rin ang boyfriend ni Glaiza para sa kanilang anniversary.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Glaiza ang isang video kung saan nagpunta siya sa tabing-dagat at bumungad sa kanya ang bouquet of flowers at isang body pillow na may mukha ni David.

Lalo tuloy na-miss ni Glaiza ang kanyang BF at inamin din niya na kung minsan ay inaatake pa rin siya ng “sepanx” o separation anxiety mula nang umalis si David sa Baler.

“This morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now. I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol,” sabi ng caption ni Glaiza.

“Maraming salamat at mahal kita. Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang,” dagdag niya.

Sa isa pa niyang IG post, ipinakita rin ng dalaga ang kanyang litrato sa beach habang hawak ang bulaklak na ibinigay ni David habang katabi ang unan na may mukha ng boyfriend.

Continue Reading

Concept News Central

POC polls, ipopostpone?

Avatar

Published

on

Ngayong nalalapit na ang Philippine Olympic Committee (POC) elections, imumungkahi umano ni dating POC chairman Monico Puentevella na ipostpone na lamang ang nasabing eleksyon.

Imumungkahi umano ni Puentevella na ipagpaliban ang eleksyon sa nalalapit na general assembly ng POC sa Setyembre 30.

Sinabi pa ni Puentevella – na siya ring pinuno ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas – na ang outbreak ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ay isang rason para mahirapan na makaboto ang mga POC members sa eleksyon na gaganapin sa Nobyembre 27.

Paliwanag pa niya, baka hindi umano makakaboto si three-time Olympian Hidilyn Diaz dahil stranded pa rin umano ito sa Kuala Lumpur kung saan siya nagte-training.

Bukod kay Diaz, marami rin umaong mga national sports association (NSA) leaders ang stranded sa kani-kanilang probinsya gaya nina Richard Gomez ng fencing at Prospero “Butch” Pichay ng chess.

“There’s no way for us to go to Manila just for their political ambitions,” saad ni Puentevella, na stranded din ngayon sa Bacolod.

“For an election exercise to be effective, it needs the involvement of all members. Since most of us are stranded in our respective provinces, it would be impossible for us to cast our votes,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Puentevella, imumungkahi niyang gawin na lamang ang eleksyon sa Enero o Pebrero o kaya naman kung bumagal na ang pagkalat ng COVID-19.

“Why are we in a hurry to expose our voting members to this unhealthy situation? Let us not endanger the lives of our members, some of who are even in their eighties. What’s the hurry?” sabi ni Puentevella. “We are in a pandemic. Our health is more important than any elective position.”

“I pray that the POC board will find this proposal meritorious and I thank them. Anyway, they can enjoy the additional months to retain their positions. This will benefit them,” dagdag niya.

Continue Reading

Concept News Central

Julia, kinasuhan si Jay Sonza!

Avatar

Published

on

Mga mars, mukhang seryoso ang aktres na si Julia Barretto na labanan ang mga kumalat na tsismis na umano’y buntis siya huh!

Kasi naman, inireklamo na ni Julia ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa pahayag nito na buntis siya kay Gerald Anderson at nagsampa na siya ng demanda laban sa dating mamamahayag sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes.

Kasama ni Julia na pumunta sa NBI ang kanyang inang si Marjorie Barretto at sinampahan na ng cybercrime complaint ni Julia ang dating broadcaster.

Sinabi pa ng dalaga na ang FB post ni Jay ay “untrue” at “irresponsible” na nagdulot sa kanya ng “distress” pati na rin sa kanyang pamilya.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family,” sabi ni Julia.

“I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” dagdag niya.

Ayon naman kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, aalamin nila kung maituturing na cyber libel o paglabag sa Safe Spaces Act ang mga pahayag ni Sonza.

Ang Safe Spaces Act ay isang batas na naipasa nitong 2019 na nililinaw at nagbibigay-parusa sa gender-based sexual harassment sa mga kalye, pampublikong lugar, sa online, sa trabaho, o sa mga educational o training institution.

Kaya sa mga nagkakalat ng fake news, may araw din kayo! Char!

Continue Reading

Concept News Central

Suntok sa buwan

TDT

Published

on

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang masawata ito.

At dahil dito, marami na ang nagbibigay ng mungkahi kung ano ba dapat ang kailangang gawin upang mapigil ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.

Pero kamakailan, isang mungkahi ang lumutang kung saan dapat na ipagpaliban muna umano ang 2020 national elections dahil hindi pa umano sigurado kung aabot hanggang 2020 ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Ikinagulat naman ng ilan ang nasabing mungkahi at maging si dating Commission on Elections (Comelec) chief Christian Monsod ay nagsabing hindi umano maaari na ipagpaliban ang national elections.

“Suntok sa buwan ‘yun kasi po we are functioning as a democracy. People are traveling. They are doing their functions kaya lang minimized pero it does not mean that we can postpone elections for that reason,” sabi ni Monsod sa isang panayam.

“That is a wild thought by somebody who did not study the law or the Constitution,” dagdag niya.

Nilinaw pa ng dating poll body chief na ang nakalagay sa Section 5 of the Omnibus Election Code na terrorism, destruction of paraphernalia, violence at ilan pang katulad na maaring pumigil sa pagkakaroon ng ligtas, malaya at honest elections lamang ang maaaring makapagpaliban ng eleksyon.

“Pandemic is not such a nature that you cannot have people going to the polls to vote. It’s common sense,” saad pa ni Monsod.

Ipinaliwanag rin niya na kung sakali ngang mapostpone ang eleksyon, dapat sundin ang nakasaad sa Section 7 ng Constitution kaugnay sa line of succession.

“Automatic natatapos ‘yung term ng Presidente. He cannot extend it himself most of all or anybody even Congress cannot extend him. He automatically has to step down on June 30, 2022,” sabi ni Monsod.

“’Yung manner of voting tapos kailangang may plebiscite. How can you do the plebiscite if they are saying ‘di pwedeng mag election pero pwedeng mag plebiscite. Nananginip sila kung ‘di loko-loko sila,” dagdag pa niya.

Sa ganang amin, tama si Monsod. Suntok sa buwan ang mungkahing ipagpaliban ang eleksyon.

Hindi rin naman kasi tamang pag-usapan agad ang eleksyon ngayong mga panahon na ito lalo pa’t humaharap sa banta ng pandemya ang bansa.

Ang mas mabuting gawin na lamang ay sundin na lamang ang lahat na inilatag na protocols at manalangin na mapabilis pa ang paggawa ng bakuna upang matapos na ang problemang ito.

Continue Reading

Concept News Central

PBA, magbabalik na

Bea Micaller

Published

on

Sa wakas, nasagot na rin ang panalangin ng Philippine Basketball Association (PBA).

Inanunsyo na ni PBA chairman Ricky Vargas na nakakuha na umano sila ng provisional authority mula sa Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang mabuksan na ang naudlot na 45th season ng liga.

Ayon kay Vargas, nakuha nila ang provisional authority sa tulong ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon matapos ang kanilang pagpupulong ng mga opisyales ng IATF kasama si PBA commissioner Willie Marcial.

“This is a happy event,” sabi ni Vargas. “We are happy to announce that, through the help of Sec. Dizon, we have secured the provisional approval of the IATF.”

Dahil sa provisional authority, ang PBA na ang kauna-unahang liga sa Pilipinas na makakabalik-laro sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon naman kay Dizon, mas istrikto umano ang mga health protocols na inilatag ng PBA kaysa sa inilatag ng Joint Administrative Order (JAO) group na kinabibilangan ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board kaya binigyan na ito ng provisional authority.

“The current issue here is that the protocols stated in JAO are different from the protocols set by the PBA for the bubble,” sabi ni Dizon. “We just need to amend the protocols and with the provisional approval, we now have the authority to begin the bubble.”

Ayon naman kay Marcial, inilatag na niya ang kanilang mga plano para sa gagawing season – simula sa petsa ng pagbubukas, competition format, venue, hotel, logistics, budget at COVID testing.

Kasama sa plano ng PBA ang pagbabahay ng 350 delegates na kasama ang mga players, coaches at team officials mula sa labindalawang koponan sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone hanggang Disyembre.

Ang mg laro ay gagawin umano sa Angeles University Foundation gymnasium simula Oktubre 9.

Continue Reading

Concept News Central

Maine, may makabuluhang mensahe

Avatar

Published

on

May makabuluhang mensahe ang aktres at TV host na si Maine Mendoza para sa mga taong nakikipaglaban sa mental health problems matapos ipalabas ang isang episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga kamakailan.

Sa kanyang Twitter posts, inisa-isa ni Maine ang mga hakbang para sa tamang pakikitungo sa tao at kaibigang nakararanas ng ganitong uri ng problema.

“Paalala lang din sa lahat, na gaano man ‘kababaw o kaliit’ sa mata natin ang pinagdadaanan o ang problema ng iba, wala tayong karapatan na sabihan sila ng dapat nilang maramdaman. Hindi talaga natin malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kung hindi tayo ang nasa lugar nila,” sabi ni Maine.

Dagdag ng aktres at TV host, kailangang matuto ang bawat isa na irespeto ang nararamdaman ng mga taong may pinagdaraanan sa buhay.

“Huwag natin isawalang-bahala yung nararamdaman ng iba dahil lang iba ang pananaw natin sa kanila. Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat ang mga ito para sa kanila. Diba nga, iba-iba tayo ng laban,” saad ni Maine.

“Malaking bagay ang presensya natin, pakikinig natin, pagtanong ng ‘kamusta ka?’ para sa mga taong may pinagdadaanan at hindi man natin alam ang problema o dinadala ng mga kasama natin, malaking tulong na yung nandyan tayo para ipaalam at IPARAMDAM sa kanila na handa tayong makinig – na hindi sila nag-iisa at nandito tayo para damayan sila. Mahigpit na yakap sa lahat! Kapit lang tayo. Laban lang!” sabi ni Maine.

Continue Reading