Connect with us

Concept News Central

Carla Abellana, prinoblema ang timbang

Sundy Locus

Published

on

Inamin ni Carla Abellana na nagkaproblema siya sa taping ng kinabibilangan niyang TV series na “Love Of My Life” noong biglang lumobo ang kanyang timbang dahil sa kanyang health condition.

Sa isang panayam online, sinabi ni Carla na nahiya siya noong mga panahon na yun dahil naapektuhan ang buong production dahil nagkaproblema sa “continuity” ang kanyang itsura.

Hindi naman daw kasi puwedeng sa isang eksena ay ang payat niya pagkatapos sa susunod na frame ay bigla siyang lumaki.

“At the start of Love of My Life, kasi bago naman ako magsimula ng teleserye, nagda-diet na ako tapos nage-exercise na ako para hindi last minute. Kumbaga may preparation talaga. Tapos napansin ko noong nagti-taping na for Love of My Life parang bumibigat na ako nang bumibigat,” sabi ni Carla.

“July tayo nag-start ng Love of My Life, August, September nag-gain ako ng 26 pounds in total sa loob ng four months na ikinataka ko. Kasi naka-diet food ako, nagwo-work out ako three times a week. Bakit nadadagdagan nang nadadagdagan ‘yung timbang ko kesa mabawasan or ma-maintain? Hindi siya nag-i-stop,” dagdag niya.

Advertisement

Concept News Central

PBA, magbabalik na

Bea Micaller

Published

on

Sa wakas, nasagot na rin ang panalangin ng Philippine Basketball Association (PBA).

Inanunsyo na ni PBA chairman Ricky Vargas na nakakuha na umano sila ng provisional authority mula sa Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang mabuksan na ang naudlot na 45th season ng liga.

Ayon kay Vargas, nakuha nila ang provisional authority sa tulong ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) chief Vince Dizon matapos ang kanilang pagpupulong ng mga opisyales ng IATF kasama si PBA commissioner Willie Marcial.

“This is a happy event,” sabi ni Vargas. “We are happy to announce that, through the help of Sec. Dizon, we have secured the provisional approval of the IATF.”

Dahil sa provisional authority, ang PBA na ang kauna-unahang liga sa Pilipinas na makakabalik-laro sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon naman kay Dizon, mas istrikto umano ang mga health protocols na inilatag ng PBA kaysa sa inilatag ng Joint Administrative Order (JAO) group na kinabibilangan ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board kaya binigyan na ito ng provisional authority.

“The current issue here is that the protocols stated in JAO are different from the protocols set by the PBA for the bubble,” sabi ni Dizon. “We just need to amend the protocols and with the provisional approval, we now have the authority to begin the bubble.”

Ayon naman kay Marcial, inilatag na niya ang kanilang mga plano para sa gagawing season – simula sa petsa ng pagbubukas, competition format, venue, hotel, logistics, budget at COVID testing.

Kasama sa plano ng PBA ang pagbabahay ng 350 delegates na kasama ang mga players, coaches at team officials mula sa labindalawang koponan sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone hanggang Disyembre.

Ang mg laro ay gagawin umano sa Angeles University Foundation gymnasium simula Oktubre 9.

Continue Reading

Concept News Central

Maine, may makabuluhang mensahe

Avatar

Published

on

May makabuluhang mensahe ang aktres at TV host na si Maine Mendoza para sa mga taong nakikipaglaban sa mental health problems matapos ipalabas ang isang episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga kamakailan.

Sa kanyang Twitter posts, inisa-isa ni Maine ang mga hakbang para sa tamang pakikitungo sa tao at kaibigang nakararanas ng ganitong uri ng problema.

“Paalala lang din sa lahat, na gaano man ‘kababaw o kaliit’ sa mata natin ang pinagdadaanan o ang problema ng iba, wala tayong karapatan na sabihan sila ng dapat nilang maramdaman. Hindi talaga natin malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kung hindi tayo ang nasa lugar nila,” sabi ni Maine.

Dagdag ng aktres at TV host, kailangang matuto ang bawat isa na irespeto ang nararamdaman ng mga taong may pinagdaraanan sa buhay.

“Huwag natin isawalang-bahala yung nararamdaman ng iba dahil lang iba ang pananaw natin sa kanila. Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat ang mga ito para sa kanila. Diba nga, iba-iba tayo ng laban,” saad ni Maine.

“Malaking bagay ang presensya natin, pakikinig natin, pagtanong ng ‘kamusta ka?’ para sa mga taong may pinagdadaanan at hindi man natin alam ang problema o dinadala ng mga kasama natin, malaking tulong na yung nandyan tayo para ipaalam at IPARAMDAM sa kanila na handa tayong makinig – na hindi sila nag-iisa at nandito tayo para damayan sila. Mahigpit na yakap sa lahat! Kapit lang tayo. Laban lang!” sabi ni Maine.

Continue Reading

Concept News Central

Isa na lang para sa Miami

TDT

Published

on

Pinataob ng Miami Heat ang Boston Celtics, 112-109 sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference finals series upang lumapit sa NBA Finals.

Pinangunahan ni Tyler Herro ang opensa ng Heat kung saan kumamada siya ng 37 puntos laban sa Celtics.

“He has a great competitive humility about him,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “He has a confidence. He has a fearlessness that is uncommon. But he’s humble enough to work, to be coachable, to take the mentorship from the veteran players that we have on our team, and he just continues to gain more confidence as we go.”
Nagdagdag si Jimmy Butler ng 24 puntos habang may 22 puntos si Goran Dragic at 20 puntos si Bam Adebayo.

Nagtapos naman ng may 28 puntos si Jayson Tatum para sa Celtics, habang may 21 puntos si Jaylen Brown at 20 puntos si Kemba Walker.

“I didn’t score in the first half. That’s unacceptable,” sabi ni Tatum. “I know I have to play better. That’s what I tried to do.”

“At the end of the day, we got to find a way,” saad naman ni Walker. “That’s really all we can do. We can do it. It’s about pride. It’s about wanting to do it. Next game we got to come out and show that.”

Si Herro ay naging ikalawang NBA player na umiskor ng lampas 30 puntos, kung saan ang unang nakapagtala ng record ay si Lakers legend Magic Johnson na nakapagtala ng 42 puntos noong Game 6 ng 1980 NBA Finals.

“I feel good about it,” sabi ni Herro. “There’s a lot of work to be done still. We’re up 3-1.”

Continue Reading

Concept News Central

Liza, nagsampa na ng kaso

Avatar

Published

on

Mga mars, talagang seryoso ang aktres na si Liza Soberano ipinahayag niyang kakasuhan ang empleyado ng isang internet provider na nag-comment ng rape joke dahil nagtungo na pala si Liza sa Quezon City Hall of Justice upang isampa ang kaso.

Kasama ni Liza ang kanyang manager na si Ogie Diaz ang abogadong si Atty. Jun Lim ng Lim-Yutatco-Sze law office sa Hall of Justice kung saan nanumpa siya kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion.

Ayon sa abogado ni Liza, ang nasabing “sarap ipa-rape” post sa Facebook ay isa umanong “violation of Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.”

Dagdag naman ng dalaga, talagang below the belt na ang komentong ito sa kanya ng nasabing empleyado.

“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago. It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape,” kuwento ni Liza.

“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,” dagdag niya.

“I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media. I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” sabi pa niya.

Kung matatandaan, naglabas na ng opisyal na pahayag ang internet service provider na pinapasukan ng netizen na nasa likod ng “rape comment” at nagsabing hindi nila tino-tolerate ang mga empleyado nilang nagra-rant sa social media tungkol sa mga customer nila.

Dagdag pa nila, iniimbestigahan na umano ang nasabing pangyayari.

Naglabas na rin ng public apology ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng kanyang Facebook page pero ipinagpipilitan pa rin niyang pribadong usapan ang nag-viral sa socmed.

Continue Reading

Concept News Central

Wild si Susan

TDT

Published

on

Saan naman kayo nakakita ng panukalang batas sa Amerika na sa titulo pa lang ay malinaw na pakikialam na sa kasarinlan ng ating bansa? Yes, nakahain ngayon sa US House of Representatives ang Philippine Human Rights Bill na ini-akda ni Pennsylvania Rep. Susan Wild.

Layon ng panukala na pagbawalan ang Amerika na makipagtransaksyon o magbigay ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP) kung hindi maisasakatuparan ng gobyerno natin ang ilang kondisyon.

Ilan lang sa kondisyon ang pagbibigay-daan sa mga human rights cases na kasasangkutan ng AFP at PNP personnel kung saan ang biktima ay mga aktibista, mamamahayag, miyembro ng LGBT community at iba pang maingay laban sa ipinasang Anti-Terror Law sa Pilipinas.

Obviously, hindi nagbabasa ng balita mula sa Pinas itong si Wild dahil hindi niya alam na marami nang sundalo at pulis ang natanggal sa serbisyo at nakasuhan dahil sa pagmamalabis sa tungkulin.

Hindi na kailangan pang piliin na aktibista o mamamahayag ang biktima.

Ang biktima ay biktima anuman ang estado nila sa pamayanan. Isang halimbawa diyan ‘yung dalawang pulis-probinsya na nakakulong ngayon dahil sa pagpatay sa isang babae na nagkaso sa kanila ng panggagahasa.

Sa tema ng panukala ni Wild, para bang literal na napakalayo ng tingin niya dahil kung tutuusin ay mas masama pa ang track record ng mga pulis sa sarili niyang bansa, ang Amerika, pagdating sa paggalang sa karapatang-pantao.

Kaya nga mainit na mainit ngayon ang Black Lives Matter protests sa US di ba? Dahil sa sobrang trigger-happy ng mga pulis sa Amerika na pag nagpaputok ng baril ay talagang walang intensyon na tirhan ng buhay ang pwede namang hulihin.

Katunayan, mula 2014 hanggang 2019, ay umabot na sa 6,557 na taon ang pinatay ng police sa US, kung saan 25 porsyento ay African-Americans.

Ilan sa pinakahuling biktima ng US police brutality sina Rayshard Brooks, Daniel Prude, George Floyd, Breonna Taylor, Atatiana Jefferson at Aura Rosser.

Kung ang ipinapanakot ni Wild ay ang mga armas na gawa sa bansa niya, aba’y hindi n’ya rin yata alam na minsan nang nagsabi si Pangulong Duterte na wala siyang problema sa pag-source sa Russia ng mga armas.

Kung libreng baril naman ang tinutukoy ni Wild, eh di bale na lang. Kaya bumili ng Pilipinas ng mga iyan kaysa magmukhang patay-gutom sa pagsunod sa kondisyones ng ibang bansa para lang maarmasan ang AFP at PNP.

Tama si Senate President Vicente Sotto III na kung maisasabatas itong bill ni Wild, dapat na talagang tuldukan ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas.

Agree rin tayo sa babala ni Senator Panfilo Lacson na hindi lang kawalan ng Pilipinas ang di pagtulong ng US sa AFP at PNP dahil ang terorismo na nilalabanan ng mga sundalo at pulis natin ay walang nalalaman na boundaries.

Maghunus-dili ka, Susan.

Continue Reading

Concept News Central

Lampas 40K na mag-aaral ng SUC, hindi naka-enroll

Avatar

Published

on

Inihayag nitong Huwebes ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) na aabot umano sa lampas 40,000 na mag-aaral mula sa mga state universities and colleges (SUC) ang hindi nakapag-enroll sa darating na academic year.

Ayon sa PASUC, ang nasabing bilang ay nakuha nila mula sa datos ng kanilang isinagawang survey sa 112 SUC sa bansa at dagdag nila, marami umanong magulang ang nawalan ng trabaho habang ang ilan ay nakararanas ng anxiety o pangamba sa pasukan dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Dagdag naman ni PASUC president Tirso Ronquillo, may mga estudyante umano ang nagda-drop pa ngayon dahil hindi makasabay sa mga bagong paraan ng pagkatuto.

“We will again conduct another survey by the end of October, for us to figure out kung ilan talaga ‘yung hindi nakatuloy ng pag-aaral,” sabi ni Ronquillo.

“Actually, kahit po ngayon sa aming SUC, may mga nagda-drop ngayong mga panahong ito kasi hindi makasabay ‘yong iba,” dagdag niya.

Kung matatandaan, hinikayat ng Commission on Higher Education ang pagpapatupad ng flexible learning sa mga pamantasan at kolehiyo bilang alternatibo sa face-to-face classes, na ipinagbawal dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Samantala, ipinarerepaso naman ng PASUC ang patakaran ng mga SUC sa pagtanggap sa mga foreign student at ayon kay Ronquillo, dapat prayoridad ng mga SUC ang mga Pilipino at mas maiging ang mga murang kurso lang ang ialok sa mga dayuhang estudyante.

Magugunitang kamakailan ay pinuna ng ilang senador ang umano’y pagdami ng mga banyagang naka-enroll sa SUC na anila’y itinayo para sa edukasyon ng mga Pilipino.

Continue Reading

Concept News Central

Casimero: Bulalo ang susi

Nick Giongco

Published

on

Habang naghahanda na para sa kanyang title defense si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero, may isang bagay siyang inaasam bago ang kanyang napipintong laban – ang bulalo.

May isang Filipino restaurant at grocery store sa Connecticut town ng Wallingford ang pumayag na paglutuan sila ng bulalo habang naghihintay sila sa araw ng laban.

Sa ngayon, nasa bubble si Casimero sa Mohegan Sun Resort and Casino sa Uncasville, isang lugar sa Montville na 60 miles ang layo sa Wallingford.

Ayon kay American boxing man Sean Gibbons, ang kanyang anak na si Brendan ang magsisilbing errand boy nila sa mga susunod na araw dahil nakailalim sila sa isang bubble setup.

“Brendan won’t be with us in the bubble but he will be play a major role because he will be giving us what we need inside,” sabi ni Gibbons. “He will pick up the groceries and other needs.”

Ang kasama ni Casimero sa setup ay sina Gibbon, lead trainer Bones Adams at Filipino-American cutman Stephen Lunas.

Sinabi ni Gibbons na ang nasabing shop na ang bahalang magluto ng bulalo na parte ng nutritional requirements ni Casimero bago niya harapin ang Ghanaian challenger na si Duke Micah.

“I have already talked with the lady who owns the store and she readily agreed to cook for Casimero,” sabi ni Gibbons. “It’s important that Casimero gets to eat what he wants because these little things, called intangibles, play a role in winning and winning big.”

Nito lamang Huwebes, nagharap ang dalawa sa isang video conference at sinabi ni Casimero na handang-handa na siya sa laban.

“I’ll go for the knockout. This is my first time on Showtime so I want to give everyone watching an impressive performance,” sabi ni Casimero. “This is a big opportunity show the world who I am. I promise I will do my best this fight. I am extremely ready to give it my all.”

Continue Reading

Concept News Central

POGO, ‘DI LALAYAS!

Avatar

Published

on

Nilinaw ng Malacanang nitong Huwebes na wala umanong nangyayaring exodus o pag-alis ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa bunsod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bagamat walang nagaganap na paglisan ng POGO, may ilan pa rin umano ang hindi pa nakakakumpleto ng requirements upang makapag-operate muli.

“Ang nangyari po ay mga 20 plus lang out of 60 ang nag-comply doon sa requirement ng BIR (Bureau of Internal Revenue),” sabi ni Roque. “Hindi naman po exodus ‘yan dahil malinaw naman po ang naging polisiya ng Department of Finance, pay up otherwise hindi kayo puwede mag-POGO operations dito.”

Ang pahayag ng Palasypo ay kasunod ng sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na nakatanggap umano siya ng impormasyon na may ilang offshore gaming operators na ang nagkansela ng kanilang lease contracts.

Ayon kay Dominguez, ang pag-alis umano ng POGO sa bansa ay magkakaroon ng epekto sa government revenues at maaaring magkaroon din ng epekto sa mga real estate prices at iba pang mga negosyo sa bansa.

Paliwanag ng kalihim, ang mga property companies at iba pang mga negosyong may kaugnayan sa POGO ay siguradong magkakaroon ng paghina sa kita at dahil dito, magiging mas mababa ang mga income tax at value-added taxes na kinokolekta ng gobyerno.

Sinabi naman ng property consultancy firm Colliers na makakaapekto ang pag-alis ng mga POGO sa Metro Manila real-estate industry dahil halos isang milyong square meters ng office spaces o sampung porsiyento ng leasable office spaces sa lungsod ay inookupa ng mga offshore gaming companies.

Kung matatandaan, sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corp. assistant vice president for offshore gaming licensing Jose Tria na mas pinipiling umalis na lamang ng mga POGO sa bansa dahil umano sa limitadong operasyon nito dahil sa COVID-19 at ang mahigpit na mga tax rules sa bansa.

Continue Reading

Concept News Central

GUDJAB DIGONG! —CARPIO

Avatar

Published

on

Matapos ang makasaysayang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) General Assembly kung saan iginiit niya ang arbitral ruling sa South China Sea na naipanalo ng Pilipinas laban sa China, umani ng papuri ang Pangulo maging sa kanyang mga kritiko.

Nitong Miyerkules, sinabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na ikinatutuwa niya ang sinabi ng Pangulo nang iginiit nito ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea.

Dagdag niya, natuwa rin siya dahil tinanggap ng Pangulo ang suporta ng ibang bansa sa 2016 ruling sa The Hague, Netherlands.

Pero ayon kay Carpio, dapat ay maging polisiya na rin ang posisyon ng Duterte administration ukol sa arbitral ruling maging sa ibang isyu na gaya ng proteksiyon ng exclusive economic zone, negosasyon sa Code of Conduct, at pagkuha ng suporta ng international community para ipatupad ang arbitral award.

“I fervently hope that this is the policy that the Duterte administration will implement across all levels – in the protection of our exclusive economic zone in the West Philippines Sea, in the negotiations for the Code of Conduct, and in gathering the support of the international community for the enforcement of the arbitral award,” sabi ni Carpio.

Sa talumpati ng Pangulo Martes ng gabi sa Pilipinas – ang kauna-unahang talumpati ni Duterte sa UN General Assembly – ipinaglaban niya ang napanalunang desisyon ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea sa kabila ng nauna niyang pagtangging hamunin ang China.

“The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS (UN Convention on the Law of the Seas) and the 2016 Arbitral Award,” sabi ni Duterte.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” dagdag niya kasabay ng pagpapasalamat niya sa ibang bansa na sumusuporta sa ruling.

Si Senador Panfilo Lacson naman, sinabing malinaw na ngayon kung saan nakapanig ang Pilipinas pagdating sa isyu ng West Philippine Sea at umaasa ang senador na narinig ng China ang talumpati ni Duterte, lalo pa’t wala nang iba pang interpretasyon ang puwedeng ibigay sa kaniyang naging pahayag.

Ayon naman kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang paggiit ng Pangulo sa arbitral award ay pagtalima sa itinakda ng Konstitusyon na protektahan ang soberanya ng bansa.

Mahalaga aniya na madagdagan ang mga bansang sumusuporta sa ruling para mas maigiit ito sa 2021 UN Assembly.

Continue Reading