Connect with us

Concept News Central

Angeline Quinto, may BF na?

Sundy Locus

Published

on

Ilang netizens ang biglang napatanong kay singer-actress Angeline Quinto kung may boyfriend na nga ba ito dahil sa isang lalaking naka-side view sa Instagram account ng dalaga pitong araw na ang nakararaan.

Nang tanungin si Angeline ukol dito, sinabi niyang “special friend” niya lang ang mystery guy at nang segundahan kung gaano ka-special, sinabi ni Angeline na special siya dahil kaibigan siya.

“Well, special po in a way na everyday q cya nakakausap, kahit naman po hindi everyday magkasama dahil sa pandemic, nag uupdate naman po kami madalas sa isa’t isa. Pero hindi pa po cya nakikilala ng mama Bob. Hopefully po maging maayos na lahat, maipakilala q cya kay Mama,” pag-amin ni Angeline.

“Nameet q po thru common friends din po. From Sampaloc, Manila po and alam q sa Okada po cya nag work,” dagdag niya.

Tungkol naman sa sinabi niyang special na ang relasyon nila ng guy, “Mejo ngaun lang po. Mas bata po sakin ng three years.”

Advertisement

Concept News Central

GUDJAB DIGONG! —CARPIO

Avatar

Published

on

Matapos ang makasaysayang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) General Assembly kung saan iginiit niya ang arbitral ruling sa South China Sea na naipanalo ng Pilipinas laban sa China, umani ng papuri ang Pangulo maging sa kanyang mga kritiko.

Nitong Miyerkules, sinabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na ikinatutuwa niya ang sinabi ng Pangulo nang iginiit nito ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea.

Dagdag niya, natuwa rin siya dahil tinanggap ng Pangulo ang suporta ng ibang bansa sa 2016 ruling sa The Hague, Netherlands.

Pero ayon kay Carpio, dapat ay maging polisiya na rin ang posisyon ng Duterte administration ukol sa arbitral ruling maging sa ibang isyu na gaya ng proteksiyon ng exclusive economic zone, negosasyon sa Code of Conduct, at pagkuha ng suporta ng international community para ipatupad ang arbitral award.

“I fervently hope that this is the policy that the Duterte administration will implement across all levels – in the protection of our exclusive economic zone in the West Philippines Sea, in the negotiations for the Code of Conduct, and in gathering the support of the international community for the enforcement of the arbitral award,” sabi ni Carpio.

Sa talumpati ng Pangulo Martes ng gabi sa Pilipinas – ang kauna-unahang talumpati ni Duterte sa UN General Assembly – ipinaglaban niya ang napanalunang desisyon ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea sa kabila ng nauna niyang pagtangging hamunin ang China.

“The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS (UN Convention on the Law of the Seas) and the 2016 Arbitral Award,” sabi ni Duterte.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” dagdag niya kasabay ng pagpapasalamat niya sa ibang bansa na sumusuporta sa ruling.

Si Senador Panfilo Lacson naman, sinabing malinaw na ngayon kung saan nakapanig ang Pilipinas pagdating sa isyu ng West Philippine Sea at umaasa ang senador na narinig ng China ang talumpati ni Duterte, lalo pa’t wala nang iba pang interpretasyon ang puwedeng ibigay sa kaniyang naging pahayag.

Ayon naman kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang paggiit ng Pangulo sa arbitral award ay pagtalima sa itinakda ng Konstitusyon na protektahan ang soberanya ng bansa.

Mahalaga aniya na madagdagan ang mga bansang sumusuporta sa ruling para mas maigiit ito sa 2021 UN Assembly.

Continue Reading

Concept News Central

Nuggets, nakabawi sa Lakers

TDT

Published

on

By

Pinangunahan ni Jamal Murray ang atake ng Denver Nuggets upang mapabagsak ang Los Angeles Lakers, 114-106 sa Game 3 ng kanilang best-of-seven Western Conference finals showdown.
Kumamada ang 28 puntos si Murray habang matinding depensa naman ang ipinakita ng Nuggets sa huling minuto ng laro upang maitala ang kanilang unang panalo sa serye at magkaroon ng 1-2 kartada sa finals.

Dalawang three-pointers ang pinakawalan ni Murray bago matapos ang laro upang itumba ang Lakers.

Ayon kay Denver coach Michael Malone, siniguro nilang hindi sila masasadlak sa 0-3 hole sa serye.

“I had no doubt we were going to show up tonight,” sabi ni Malone. “We have won six straight elimination games. Everybody always has us packing our bags and leaving, but we’re not ready to go. They’re a very resilient group and they have proved that time and time again.”

Si Murray naman, sinabing kailangan nilang doblehin pa ang kayod sa serye.

“That’s my whole energy, my whole approach to the game, not getting down if I miss a couple of shots,” sabi ni Murray.

“I’m just trying to be aggressive but the most important part is the energy I bring when I’m talking to my teammates, being a vocal leader, getting up and down and pushing everybody so they tend to follow. I just wanted to see them have a lot of fun today,”dagdag niya.

Sinabi naman ni Lakers coach Frank Vogel na talagang kakaibang Denver ang sumalubong sa kanila sa Game 3.

“You put yourself in an 18-point hole, it’s tough to climb out of that,” sabi ni Vogel. “I thought Denver played with great energy throughout the game. We didn’t match it early; we matched it late. They’re a great basketball team so credit it to them for the win. They played a really good basketball game.”

“We were not as sharp as we could have been on both ends of the floor. We were playing at a high level, but were a little bit off in the first half. “But I liked the spirit that the guys competed with down the stretch to try and make it a game,” dagdag niya.

Continue Reading

Concept News Central

Rhian Ramos, may eating disorder?

TDT

Published

on

By

Mga mars, may mga netizens nang nakakapansin sa kapayatan ng aktres na si Rhian Ramos huh?

Kasi naman, sobrang payat talaga ang itsura ni Rhian sa kanyang mga Instagram posts at ang iba ay nag-aalala na para sa kalusugan ng dalaga.

May mga nagsasabi pa na baka mayroon umanong eating disorder ang aktres at baka mayroon pa umanong ibang iniindang sakit si Rhian na naging sanhi ng kanyang kapayatan.

Nilinaw ni Rhian na wala siyang eating disorder at wala rin siyang sinusunod na diet plan, pero aminado siyang stress talaga ang dahilan kung bakit bumagsak ang kanyang timbang.

“Kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano ‘yung hitsura ko. “It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big. Iniisip kasi ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito,” sabi ni Rhian.

“Pero ‘yung totoo lang talaga, it’s out of stress.”

Kuwento pa ni Rhian, inaalagaan niya ang kanyang kalusugan lalo pa at malapit na rin siyang sumabak sa isang buwang lock-in taping para sa fresh episodes ng “Love of My Life” kasama sina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Connie Reyes.

Sabi pa niya, patuloy ang kanyang pagpapakondinsyon dahil bibida na rin siya sa bagong drama anthology ng GMA na ang “I Can See You,” na binubuo ng apat na mini-series — “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Kasama si Rhian sa last installment, ang “Truly. Madly. Deadly” at makakasama niya rin dito ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Kaya Rhian, watch out for your health, because health is wealth! Char!

Continue Reading

Concept News Central

Andrea, may self-discovery

Avatar

Published

on

Dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) at ang pagkakaroon ng mga quarantine lockdowns, marami daw nadiskubre sa kanyang sarili ang aktres na si Andrea Torres.

Dahil wala pang mga raket, nakahiligan niya rin ang pagnenegosyo at sa kasalukuyan, abalang-abala siya sa kanyang food business na Family Favorites.

“Mayroon akong na-discover sa sarili ko na mahilig pala ako mag-business and moving forward, gusto ko pala siyang ipagpatuloy. Napu-fulfill din ako sa kanya. Maganda rin na na may kinabi-bisihan ako bukod dito sa first love ko na pag-aartista,” sabi ni Andrea.

Kuwento pa niya, malaki ang naitutulong ng kasintahang si Derek Ramsay sa tuwing nakakaranas siya ng problema sa negosyo.

“Lagi naman siyang nadiyan talaga para suportahan ako and ine-encourage ako. Lalo na kapag nagpa-panic ako,” saad ni Andrea. “Kasi ano ako, e, parang may pagka-perfectionist ako tsaka lahat pina-plano ko.”

“So, kapag medyo hindi umaayon sa plano, medyo uncomfortable ako diyan. Si Derek ‘yung laging ‘Hindi okay lang ‘yan.’ Kasi si Derek naman, binabalanse niya ako. Very carefree,” dagdag niya.

Bukod sa pagiging abala sa food business, nagbalik-taping na rin si Andrea para sa drama anthology na “I Can See You: The Promise” kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi.

Continue Reading

Concept News Central

Palasyo, may plano na sa COVID

Avatar

Published

on

Iginiit ng Malakanyang na may mga hakbang nang ginagawa ang pamahalaan upang masawata ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa kabila ng mga pahayag ni Vice President Leni Robredo.

Nitong Martes, ipinakita ng Bise Presidente sa pamamagitan ng isang social media post ang pag-aaral ng medical journal na The Lancet kung saan mayroon na umanong 19 na bansa na nakokontrol na ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa The Lancet, ang mga bansang ito ay kinabibilangan ng Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba at Rwanda.

Idiniin pa ni Robredo na dapat ay ganoon din ang gawing hakbang ng pamahalaan upang masawata ang pagkalat COVID-19.

Pero sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, matagal nang ginagawa ng pamahalaan ang sinasabi ni Robredo.

“Iyan nga po ay ginagawa na naman natin. Pahingi po ng bago Vice President dahil ‘yan po ngayon ay ginagawa na ng pamahalaan. Kung hindi po tayo gumawa ng hakbang nga 3 million na po ang kaso natin as of June pa lang,” sabi ni Roque.

“Hindi po perpekto, pero sa tingin ko po mga bulag at mga bingi lang ang hindi nakakakita doon sa mga ginawa ng gobyerno para ma-control nga ang COVID habang wala pang bakuna,” dagdag niya.

Kung matatandaan, hinamon ni Roque si Robredo na mag-isip ng solusyon laban sa COVID-19 crisis kahit wala pang nadedevelop na bakuna at kung magagawa ito ng Bise Presidente ay baka maging Presidente siya bigla ng Pilipinas.

Continue Reading

Concept News Central

Hindi nalilimutan

TDT

Published

on

By

Ginulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat nang igiit niya sa kanyang talumpati sa United Nations (UN) General Assembly ang arbitral victory ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea.

Sa isang makasaysayan at kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang Pangulo sa UN General Assembly na dati ay pawang mga proxy lamang ang kanyang ipinadadala.

Sabi ni Duterte, parte na ng international law ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, kung saan iginawad sa Pilipinas ang karapatan nito sa pinagtatalunang mga teritoryo sa South China Sea.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati. “We firmly reject attempts to undermine it.”

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga bansang sumusuporta sa panalo ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This — as it should — is the majesty of the law,” sabi ni Duterte.

Hindi naman natin na siguro maikakaila na hindi nakakalimutan ng Pangulo ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea at patunay ang kanyang mga binitiwang salita sa harap ng UN General Assembly.

At dahil dito, umani naman ng papuri ang Pangulo maging sa mga personalidad na kritikal sa gobyerno pagdating sa usapin ng mga disputed territories sa kabila nang mga naunang pahayag ng mga ito na walang ginagawa ang Pangulo ukol dito.

Pero sa kabila ng mga papuring natanggap ng Pangulo, may ilan pa rin siyempre ang may nasasabi pa ring hindi maganda ukol sa ginawa ni Duterte sa UN General Assembly.

May mga nagsasabing “grandstanding” lang ang ipinakita ng Pangulo dahil hindi nila sigurado kung may iba pang gagawin ang Pangulo bukod sa paggiit nito sa karapatan ng Pilipinas.

Ang iba naman sinasabing mukhang may iba pang plano ang Pangulo na taliwas sa kanyang sinasabi.

Pero kung kami ang tatanungin, ipinakita lang ng Pangulo ang katapangan niya sa harap ng UN General Assembly dahil hindi siya natakot igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga disputed territories.

Ang ginawa ng Pangulo sa harap ng UN General Assembly ay patunay lamang na hindi nalilimutan ng pamahalaan ang karapatan nito sa mga teritoryo sa South China Sea, taliwas sa sinasabi ng kanyang mga kritiko.

Kaya mas makakabubuting suportahan din natin ito.

Continue Reading

Concept News Central

Phoenix, susugal kay Abueva

Elmer N. Manuel @tribunephl_lmer

Published

on

Handa na umanong sumugal ang Phoenix Super LPG kay Calvin Abueva sa muling pagbabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 9.

Ayon sa team manager ng Phoenix na si Paolo Bugia, isinama na nila sa roster si Abueva kahit wala pang kasiguruhan na papayagang makabalik si Abueva sa pagsisimula ng Philippine Cup na gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga sa ilalim ng isang bubble setup.

Nakumpleto na umano ni Abueva ang mga kinakailangang requirements para sa kanyang reinstatement, subalit hi ndi pa umano nili-lift ni PBA commissioner Willie Marcial ang ipinataw na indefinite suspension sa nasabing manlalaro.

“We’re definitely putting him on the roster with the hopes of bringing him there, but we’re hopeful that commissioner, before the opening on 9 October, will get him reinstated,” sabi ni Bugia.

“We’re taking that risk and we’re optimistic because it’s been a long time coming and we’ve seen the changes in Calvin both on and off the court. Hopefully, the commissioner will reconsider his reinstatement,” dagdag niya.

Ayon pa sa team manager ng Phoenix, kailangan nila si Abueva sa kanilang koponan.

“I think based on the rules of the league, once we decided not to reinstate Calvin, we cannot bring in another player,” sabi ni Bugia. “So we will have to live with it, but we’re talking the risk because I think he’s worth it.”

Pero kung sakali, malakas pa rin ang frontcourt lineup ng Fuel Masters na sina Jason Perkins, JC Intal, Jake Pascual, Alex Mallari, Justin Chua at Dave Marcelo.

“As of now, we will stick with the current team because it’s a short term plan,” saad ni Bugia. “But if he does get reinstated, that’s going to be a huge factor for us.”

Continue Reading

Concept News Central

Yulo, maganda ang performance

Ian Suyu

Published

on

Nakapagtala ng magandang performance ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo sa 53rd All-Japan Senior Masters Gymnastics Championships sa Gunma, Japan nito lamang Martes.

Nagtapos sa ika-labindalawang puwesto si Yulo sa 91 na kalahok na sumabak sa torneo na pinagwagian ni former world champion Kazuma Kaya ng may kabuuang 86.998 points.

Tumapos si Yulo ng may 83.398 at ayon kay Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, maganda na ang ipinakita ni Yulo na sasabak rin sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Nag-eensayo si Yulo sa Tokyo sa ilalim ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya.

Ayon naman kay Carrion, kahit nagtapos sa ikalabindalawang puwesto si Yulo ay maayos ang kanyang ipinakita sa kauna-unahang kompetisyon na sinalihan niya matapos sumailalim sa lockdown ang Japan noong Pebrero dahil sa pagkalat ng coronavirus disease.

“He came out as 12th out of almost 100 competitors – that itself was already a great start for Caloy,” sabi ni Carrion. “It’s a big achievement. He had good scores in his events. Of course, there were some disciplines where he was not strong, but it was still okay.”

“We believe that the more competitions for Caloy, the better it would be for his development. “We’ll see if he can go to other competitions, but it would just be within Japan if ever. He still has a lot of months to prepare and continue training,” dagdag niya.

Continue Reading

Concept News Central

Tenorio, may agam-agam sa bubble

Bea Micaller

Published

on

Kung siya ang tatanungin, nag-aalangan pa rin si Barangay Ginebra star point guard LA Tenorio sa napipintong pagbabalik-laro sa PBA dahil inaalala niya ang kanyang maiiwang pamilya sa oras na sumabak na sila sa bubble setup kung saan mananatili ang lahat ng koponan sa Clark Freeport Zone.

Ayon kay Tenorio – na hindi pa nakakamiss kahit isang laro simula noong napunta siya sa PBA noong 2006 – paniguradong magkakaroon siya ng problema.

“In the earlier part of the bubble discussion, I was excited because after six months, I can finally play basketball,” sabi ni Tenorio sa panayam ng online show na The Athletes’ Tribune.

“But as discussion furthers, I was experiencing anxiety knowing that I will be gone for almost three months.”

Ang bubble setup ng PBA ay gagawin sa Angeles University Foundation habang ibabahay naman ang mga manlalaro sa Quest Hotel sa loob ng higit dalawang buwan.

Nauna nang nagsabing hindi makakasama sa bubble setup si NLEX stalwart Larry Fonacier at ayon kay Road Warriors coach Yeng Guiao, pinayagan nila si Fonacier dahil may health issues umano ang asawa nito.

“Yes, we excused him. His wife has health issues,” sabi ni Guiao. “The team and management understand his situation. Family is always a priority.”

Si Tenorio naman, nag-aalala dahil kasisilang pa lamang ng kanyang unang anak na babae.

“I think it will really be hard because I will be away from them for months. But I already talked to my family and they understand the situation,” sabi ni Tenorio. “Honestly, I am thinking twice, but I think I really have to do this (not only) for the team but also as a professional basketball player.”

“This is our job so we really have to do it,” dagdag niya.

Continue Reading
Advertisement
Advertisement
Advertisement