Connect with us

Concept News Central

No trampling on human rights, Esperon assures

TDT

Published

on

SECRETARY Hermogenes Esperon

National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. on Sunday assured the public that new Anti-Terrorism Law does not target dissenters and activists.

He said that Section 4 of the said law explicitly states that terrorism does not include peaceful activities involving mass actions and similar exercises of civil and political rights.

“So what are they saying that there’d be no human rights?” Esperon asked in Filipino in a radio interview. “In my opinion, those saying that may be the supporters of terrorists.”

The President signed into law on Friday the new anti-terrorism measure as Republic Act 11479, with the crafting of its implementing rules and regulation expected to be as equally contentious.

“They can march all they want even up to a week. They can hold demonstrations as that is guaranteed as freedom of expression as long as they are peaceful,” Esperon said.

“We will even protect them,” he said, assuring the law will not be used to trample on the right of people to express their sentiments and grievances.

— JhDodson

Advertisement

Concept News Central

12 provincial bus routes bubuksan simula Set. 30

Alvin Murcia

Published

on

Labindalawang modified provincial Public Utility Bus (PUB) routes ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula Miyerkules, 30 Setyembre 2020.

Base sa Memorandum Circular 2020-051, maaaring bumiyahe ang mga PUBs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC ng walang Special Permit (SP).

Ngunit kapalit ng SP ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUB unit. Maida-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (ltfrb.gov.ph).

Bukod pa rito, may requirement ang mga operators na maglagay ng Global Navigation Satellite System para ma-monitor ang pagbiyahe ng mga naturang PUBs.

Ang mga sumusunod na modified provincial bus routes na bubuksan sa mga PUB sa ilalim ng MC 2020-051 ay ang mga sumusunod:

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City

2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)

3. Lemery, Batangas – PITx

4. Lipa City, Batangas – PITx

5. Nasugbu, Batangas – PITx

6. Indang, Cavite – PITx

7. Mendez, Cavite – PITx

8. Tagaytay City, Cavite – PITx

9. Ternate, Cavite – PITx

10. Calamba City, Laguna – PITx

11. Siniloan, Laguna – PITx

12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

Ang mga ruta ay bunga ng komprehensibong pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga stakeholders, kabilang ang Local Government Units (LGU), terminal at bus operators. Ang mga nabanggit na ruta ay naaprubahan na ng mga LGU na may sakop sa mga ito.

Para sa mga pasahero, kailangang magdala ng mga sumusunod para makasakay at makabiyahe sa mga Provincial Bus:

1. Travel Authority/Pass mula sa PNP sa terminal na panggagalingan ng pasahero;

2. Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng Address/Place of Origin, Edad, at Lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho;

3. Written Consent na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan at/o huling destinasyon sakaling ito ay kailanganin ng LGU;

4. Iba pang mga dokumentong kailangan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government unit.

Ang driver at mga pasahero ng PUB na tatahak sa mga provincial bus routes ay kinakailangan sumunod sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kabilang na ang pagsusuot ng mask at face shield, pagdala at paggamit ng mga disinfecting agent tulad ng alcohol at sanitizer, at pagsunod sa 1-meter physical distancing.

Dadag pa riyan, pinagbabawal din ang pagkain, pag-inom, at pakikipag-usap sa kapwa pasahero o sa cellphone sa loob ng pampublikong sasakyan.

Batay sa MC 2020-051, kailangan makakuha ng trip ticket ang pasahero dalawang araw bago bumiyahe o mas maaga pa sa pamamagitan ng online facility o sa mismong bus terminal. Ipinagbabawal ang pagbili ng trip ticket sa araw mismo ng pagbiyahe maliban na lang kung ito ay isang emergency tulad ng problema sa pamilya o sa kalusugan.

Sasailalim sa regular monitoring ang lahat ng PUBs na bibiyahe sa mga modified provincial bus routes.

Pinapaalala ng LTFRB sa mga PUB na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa at multa, at maaaring tanggalan ng CPC o PA.

Continue Reading

Concept News Central

House, nagwaldas ng pera sa pinto!

Concept News Central

Published

on

ANG mga pinto na nagbukas sa maraming katanungan.

Sino na naman ba ang kumita sa isang proyektong walang saysay lalo na sa panahon ng pandemya?

Atat na atat ang mga kongresista na malaman ang sagot sa tanong na iyan matapos na sila ay magulantang matapos palitan ang pintuan ng kani-kanilang mga opisina.

Bukod sa hindi ipinagpaalam sa kanila ang pagpapalit, sinabi ng mga mambabatas na mas maraming gastusin ang bansa kaugnay ng COVID-19 pandemic para magwaldas ng pera para sa pintuan.

Malinaw na pinuwersang buksan ang mga opisina dahil ang susi ng mga lock sa pinto ay nasa pag-iingat ng mga mambabatas.

Hindi rin daw pwede sabihin na para sa seguridad ang pagpapalit dahil maayos naman ang dating mga pinto at lagi namang wala ang mga mambabatas sa kanilang mga tanggapan sa House of Representatives.

Kasalukuyang hinahanap ng mga miyembro ng media ang contractor ng naturang proyekto gayundin kung sinong opisyal ng House ang nag-facilitate nito.

p/jd

Continue Reading

Concept News Central

Nagsorry, Cardinal Santos umiiwas maimbestigahan?

TDT

Published

on

Nagkalat ang mask at iba pang medical wastes sa EDSA matapos mabuksan ang anim na garbage bags ng medical wastes mula Cardinal Santos hospital. W. Commons

Sorry na lang?

Humingi ng paumanhin ang Cardinal Santos Medical Center matapos mabuyangyang sa Epifanio delos Santos Avenue o EDSA ang medical wastes nito na nasa anim na garbage bag.

Magsasagawa umano ng imbestigasyon ang ospital bagamat ito mismo ay iniimbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police .

Hindi basta basura ang medical wastes dahil ito ay naglalaman ng bacteria, viruses at harmful chemicals na maaaring magresulta sa pagkakasakit o maging pagkamatay ng mae-expose.

Ang medical wastes ay natagpuang nakahambalang sa northbound lane ng EDSA malapit sa White Plains Avenue.

“We have initiated an internal investigation to determine what happened and if there was negligence on the part of our third-party provider contracted for the collection and disposal of our waste material,” anang CSMC.

Nang buksan ang garbage bags, ang mga ito ay naglalaman ng masks, gloves, personal protective equipment at iba pang medical wastes.

Ang mga PPE ay kasalukuyang ginagamit sa mga ospital bilang proteksyon ng mga frontliners sa nakahahawang coronavirus disease 2019.

“We regret the inconvenience this unfortunate incident has caused the public. Please be assured of our commitment to address the issues in coordination with the authorities and other concerned parties…,” anang CSMC.

p/jd

Continue Reading

Concept News Central

Casimero, Ancajas, Marcial, magsasama-sama sa LA

Nick Giongco

Published

on

Matapos ang eksplosibong knockout victory ni world bantamweight champion John Riel Casimero laban sa challenger na si Duke Micah ng Ghana, darating naman sa Los Angeles ang dalawa pang miyembro ng Manny Pacquiao Promotions.

Napipintong dumating sa LA sina reigning International Boxing Federation (IBF) super-flyweight titlist Jerwin Ancajas at Tokyo Olympic qualifier Eumir Marcial.

Ayon kay MP Promotions head Sean Gibbons, isasama siya si Casimero – na siya ngayong World Boxing Organization (WBO) king – sa pagsundo kina Marcial at Ancajas.

Tutungo si Ancajas sa Estados Unidos upang magkaroon siya ng laban sa ilalim ni Hall of Fame promoter Bob Arum.

Si Marcial naman ay maghihintay para sa kanyang US debut na maaaring maganap sa Nobyembre o sa Disyembre.

Sinabi ni Gibbons na alam na ni Wild Card Boxing Club guru Freddie Roach ang pagdating ni Marcial at siya rin mismo ang magte-training sa Olympic qualifier na si Marcial.

Nasa US din si unbeaten featherweight Mark Magsayo kung saan kakalabanin niya si Rigoberto Hermosillo ng Mexico sa Sabado.

Continue Reading

Concept News Central

Arci Muñoz, walang lovelife!

Avatar

Published

on

Matagal-tagal na rin palang walang lovelife ang aktres na si Arci Muñoz huh!

Kasi naman, after ng break-up nila ng kanyang nobyong si Anthony Ng noong 2019, wala nang pumalit sa puso ng dalaga at nanatili na lamang siyang single hanggang sa naabutan na rin siya ng pandemya.

Sabi ni Arci, mukhang wala siyang suwerte pagdating sa kanyang lovelife dahil kahit ginagawa at binibigay niya ang lahat para magtagal ang kanyang relationship ay nauuwi pa rin ito sa masakit na hiwalayan.

“I give it my all whenever I’m in a relationship,” saad ni Arci.

Dagdag niya, minsan nga raw ay nalilimutan niya ang self love.

Pero ngayong quarantine, sarili muna niya ang inaasikaso niya at sa ngayon ay nakatutok siya sa ginagawang teleserye na “Walang Hanggang Paalam.”

Kasama niya sa nasabing serye sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.

Continue Reading

Concept News Central

Myrtle, tatlong buwang walang trabaho!

Avatar

Published

on

Mga mars, talagang hindi na matatawaran ang nakakalungkot na epekto ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, lalo na sa showbiz.

Maraming artista ngayon ang walang trabaho dahil halos kanselado lahat ang mga shows, tapings at mga raket.

Hindi rin nakaligtas ang actress-cosplayer Myrtle Sarrosa sa mga nawalan ng pagkakakitaan bunsod ng mga istriktong lockdowns na ipinatupad dahil sa pandemya.

Ang maganda lang kay Myrtle, sinabi niyang hindi siya nagkaroon ng matinding anxiety o depression sa kasagsagan ng lockdown dahil malaki umano ang naitulong ng pakikipag-usap niya sa kanyang mga kaibigan at kapamilya sa pamamagitan ng video call, pati na ng pagkahilig niya sa online games.

Kuwento niya, nagkulong lang umano siya sa bahay sa mga unang buwan ng lockdown pero dahil sa kanyang paglalaro ng video games, narealize umano niya na marami pa rin siyang social connections sa ibang tao.

“So dahil doon hindi ako nagkaroon ng heavy anxiety or depression dahil I have a community of people I can talk to anytime,” sabi ni Myrtle. “Minsan nagri-reach out ako sa kanila pag hindi okay yung pakiramdam ko, kasi minsan yung maliliit na bagay sa utak mo lumalaki na. Pero dahil sa kanila na-realize ko there’s more to life even if you are just at home.”

Sa ngayon, nag-renew siya ng kontrata para sa endorsement ng isang sanitary napkin at nagpapasalamat siya dahil mayroon pa rin siyang pinagkakaabalahan ngayon.

“As a person naman kasi I always try to remain positive, though sometimes medyo introverted din ako so minsan may tendency din ako to over think things,” kuwento ni Myrtle. “Pero dahil din siguro sa people around me and assurance sa akin ng managers ko, lagi sila nagpapaalala sa akin na I’m always at a good place regardless if you have projects or wala, na you are always blessed as a person and as an artist.”

“Lagi nila pinapaalala sa akin, as long as I hone my skills, when the opportunity comes, I will always be prepared,” dagdag niya.

Pero gaya ng ibang mga artista, nag-aalala rin si Myrtle sa kahihinatnan ng showbiz habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19.

“May part of me na sobrang worried na, when the pandemic started. I think three months na wala talagang trabaho. Tapos naiisip ko na din yun future. Sabi nga nila you have to find opportunities in crisis,” saad ni Myrtle.

Think positive always Myrtle, just make sure you’ll not turn out as positive! Char!

Continue Reading

Concept News Central

Gutom na ang tao

TDT

Published

on

Habang patuloy na tumataas ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, lalo ring dumadami ang nagugutom sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho at unti-unting pagbagsak ng mga negosyo sa Pilipinas.

Lahat ay apektado ng pandemya, wala itong pinalampas at wala rin itong sinanto dahil kahit malalaking negosyo sa bansa ay talaga namang naapektuhan at nagbunsod rin ito ng kawalan ng trabaho para sa karamihan.

Kapag bagsak ang negosyo, magbabawas ng trabahador at kapag nawalan ng trabaho, siguradong gutom ang aabutin. Konektado lahat iyan.

Kaya naman nito lang, sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na kailangan nang buksang muli ang ekonomiya sa bansa kahit anong community quarantine ang ipatupad pa sa Metro Manila.

Diin ni Lopez, panahon na upang ikonsiderang buksan na sa isandaang porsiyento ang operating capacity ng mga negosyo.

“The only thing we’d like to change is the easing up or reopening of more sectors for the workers cause I’m just concerned on the poverty, also on the hunger, para po may kabuhayan ang ating kababayan,” sabi ni Lopez sa isang pagdinig sa Senado.

Ang tinutukoy ni Lopez ay ang mga industriyang pinayagang makapag-operate ng kalahati sa kapasidad nito na gaya ng legal firms, accounting firms at film industry.

“I am in favor of modified GCQ, but only for the purpose of reopening the economy,” saad ni Lopez “I made this proposal even to the IATF, but as I propose this, I make sure that I clarify that there will be no easing of enforcement and also the minimum health standard.”

May mga balitang lumalabas ngayon na ilang mayors na miyembro ng Metro Manila Council ang pumapabor na palawigin pa ang general community quarantine (GCQ).

Ayon sa DTI chief, pabor siyang palawigin pa ang GCQ pero kailangan din umanong buksan na ang iba pang sektor upang matulungang makabangon na ang ekonomiya sa bansa.

“The other way to look at it, kahit mag-GCQ pa rin tayo, pero at least we open some more the economy. That is also a good alternative,” sabi ni Lopez. “Kahit hindi mag modified GCQ, kahit GCQ pa rin po, basta ho i-open ‘yung remaining sectors, and I’m referring basically to other sectors na ngayon under GCQ ay 50 percent operating capacity.”

Sang-ayon kami sa tinuran ni Lopez, dahil aminin man natin o hindi, talagang dumarami na ang nagugutom na Pilipino dahil sa kawalan ng hanap-buhay bunsod ng pandemya.

Hindi na nga natin kailangang lumayo, dahil kung sisipating mabuti, maging ang mga jeepney drivers na hindi nakakabiyahe ay namamalimos na lang sa lansangan dahil wala na silang kinikita.

Diyan pa lang, makikita na natin ang hubad na katotohanan: Gutom na ang mga tao.

Mas makakabuti nga sigurong buksan na ang ekonomiya at pabalikin na ang mga biyahe sa lansangan dahil siguro naman, alam na ng publiko ang kailangang gawin upang malabanan ang pagkalat ng coronavirus diease.

At kailangan talaga ngayon ay mahigpit at istriktong pagsunod sa mga inilatag na health protocols ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon ang ekonomiya na makabangong muli mula sa pagkakasadlak nito dahil sa beerus.

Continue Reading

Concept News Central

PBA, game na!

Bea Micaller

Published

on

Nagsisimula nang magdatingan sa Clark Freeport Zone sa Pampanga ang mga koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa napipintong pagsisimulang muli ng naudlot nitong 45th season.

Ang Magnolia, Talk ‘N Text, Meralco, Phoenix Super LPG at Terra Firma ang mga koponang naunang dumating sa venue – kung saan nakailalim sa bubble concept upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Nakapag-check-in na rin ang mga nasabing koponan sa Quest Hotel at nakapag-swab test na rin ang mga ito bago ang kanilang pagsabak sa mga scrimmages.

Samantala, ang San Miguel Beer, NLEX, Alaska, Blackwater, Rain or Shine at NorthPort ay darating naman sa venue sa Martes.

Ayon kay Beermen coach Leo Austria, excited na silang makabalik sa paglalaro at siguardong bakbakan ang mangyayari dahil magiging makasaysayan umano sa bawat koponan kung sakali.

“We are finally returning and no doubt that there’s a growing anxiety on us. But we are all professionals and we are ready to do this,” sabi ni Austria. “This is historic. We hope that this would be successful.”

Sinabi naman ni NorthPort coach Pido Jarencio na dapat pasalamatan sina PBA commissioner Willie Marcial at PBA chairman Ricky Vargas para sa muling pagbubukas ng season sa kabila ng pandemya.

“Props to the PBA for putting everything in place just to restart the seasons,” sabi ni Jarencio. “But we are treating this just another conference. We will play with the same intensity we did in the past.”

Bago pa magpunta sa Clark, sumailalim na sa COVID-19 testing ang mga manlalaro, coaches at iba pang personnel, pero sasailalim uli sila sa swab testing pagdating sa Pampanga at sa 24-hour quarantine.

Pormal na magbubukas ang liga sa Angeles University Foundation Gym sa darating na Oktubre 11.

Continue Reading

Concept News Central

Duterte, walang interes palawigin ang termino – Palasyo

Avatar

Published

on

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala umano siyang interes na palawigin pa ang kanyang termino at hahayaan na umano niya ang publiko na magdesisyon kung sino ang papalit sa kanya kapag dumating na ang national elections sa 2022.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bahala na umano ang publiko kung papayag ang mga ito na amyendahan ang Konstitusyon.

“The President is not interested in extending his term and he leaves it to the Filipino people, the sovereign people, to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections,” sabi ni Roque.

Matatapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Samantala, pinaliwanag naman ni Roque na ang pagpapaliban sa eleksyon ay maaaring mangyari kung aamyendahan ang 1987 Constitution.

“The only way it can be postponed is if the Constitution is amended. Kasi sa Saligang Batas naka-specify ‘yung petsa ng halalan para sa presidente, bise presidente, Kongreso, at senador,” sabi ni Roque.

“Ang pupuwede lang ma-postpone ng Kongreso ay ‘yung mga eleksyon na hindi nakasaad sa Saligang Batas kasama na diyan ‘yung mga barangay elections,” dagdag niya.

Continue Reading