Connect with us

Concept News Central

After Donald, Mickey?

Agence France-Presse

Published

on

A bizarre joke, a rocking campaign party and an unfortunate photo of President Donald Trump, the man Democrats hope to beat in November: here are some offbeat highlights from a week on the US campaign trail:

Just joking?
Joe Biden was having a bad week, his White House campaign bracing for a poor showing in New Hampshire’s primary after a dismal result in Iowa days earlier. And then it suddenly got worse.In one of the more head-scratching moments of the Democratic race so far, the former vice president was caught on camera calling a young woman a “lying, dog-faced pony soldier.”It was at a campaign event, and Biden had just asked if she had ever been to a caucus.

When the woman nodded, he clapped back with the startling name.Biden’s campaign tried to explain away the apparent gaffe — saying it was a joke drawn from a John Wayne movie, and one the veteran Democrat had used before.  The phrase “dog-faced soldiers” is used in the 1949 John Wayne film “She Wore a Yellow Ribbon,” while “pony soldier” appears in the Duke’s 1953 movie “Hondo.”  Suffice to say the joke fell flat.

Full Buttigieg
Pete Buttigieg had a particularly busy Sunday: the former South Bend, Indiana mayor pulled off a “Full Ginsburg,” where he spoke on all five major morning talk shows.The expression was coined in 1998 for William H. Ginsburg, the lawyer representing Monica Lewinsky. Ginsburg was the first to pull off the still rare tour de force when defending the woman at the heart of Bill Clinton’s impeachment process.

Bernie rocks
Bernie Sanders may be 78 years old, but he showed he can party like the kids at a recent New Hampshire campaign event. On Monday evening, rock band The Strokes took the stage to play for a thousands-strong crowd, many of whom were a good half century younger than their leftist champion.

Both The Strokes and Sanders had good reason to party: the band seized the occasion to announce the release of a new album while the candidate, riding high in the polls, went on to win the state primary the next day. Mickey’s shot”I think we could run Mickey Mouse against this president and have a shot.”

“That was the theory put forward by Biden on Tuesday, when asked on a talk show if nominating his leftist rival Sanders would cost Democrats the election.Problem: Biden’s clapback ultimately undercut an argument central to his own campaign — that he is the only Democrat one capable of beating Trump.

#orangeface
A photograph of Trump published last week by @photowhitehouse — a Twitter account that is not affiliated with the White House — quickly went viral for revealing a sharp contrast between the president’s orange-toned face and the pale band of skin along his hairline.

Trump was quick to label the image as “fake news” in a tweet, claiming it had been manipulated. Other pictures taken at the same time and place — including by AFP — also showed a marked tan line on the president’s face, although less of a bright orange coloration.But that did not stop the internet from delighting in the photo to spin off countless memes around the hashtag #orangeface.bur-ela/seb/to/ec/ft© Agence France-Presse

Advertisement

Concept News Central

Casimero, ready na sa rumble

Nick Giongco

Published

on

Handang-handa at nasa kondisyon na ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion na si John Riel Casimero sa kanyang napipintong pakikihamok kay undefeated Ghanaian challenger Duke Micah sa Linggo.

Sa official weigh-in na ginanap sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut, pumalo si Casimero sa 117.8lbs habang nasa 117.2lbs naman si Micah.

Ang announcer par excellence na si Jimmy Lennon ang nagpakilala sa dalawa bago ang weigh in kung saan ipinatutupad ng mahigpit ang social distancing.

Liyamado si Casimero – na may record na 29-4 at 20 knockouts – kay Micah.

Nasa isang bubble setup si Casimero at Micah simula pa noong Martes pagdating nila sa Connecticut at nagsasagawa rin ng COVID-19 tests upang masiguro ang kaligtasan nila.

Wala rin umanong mga spectators sa laban maliban sa mga essential personnel, pero ipapalabas naman ang laban sa primetime sa Estados Unidos.

Ito ang unang laban ni Casimero matapos niyang makuha ang titulo Nobyembre noong nakaraang taon laban kay South African Zolani Tete sa Birmingham, England.

Naudlot kasi ang dapat sana’y pakikihamok ni Casimero kay Naoya Inoue ng Japan sa isang three-belt showdown noong Abril 25 sa Las Vegas.

Continue Reading

Concept News Central

Angelica, ayaw na sa teleserye?

Avatar

Published

on

Mga mars, mukhang nalalapit na ang pamamaalam ng aktres na si Angelica Panganiban sa mga soap operas at teleserye huh!

Kasi naman, nagsabi na ang dalaga na magre-retire na daw siya sa paggawa ng teleserye, at dahil daw ito sa mga natutunan niya sa buhay habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa isang virtual conference para sa nalalapit na teleseryeng “Walang Hanggang Paalam,” inamin na ni Angelica na ito na ang huli niyang gagawing soap opera.

Kasama niya sa serye sina Paulo Avelino, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, JC Santos, McCoy de Leon at Arci Muñoz.

“Masaya ako at ang nakasama ko sa project na ito ay ang grupong ito dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye. Dito ako nakapag-decide kung ano talaga iyong mahalaga sa buhay,” sabi ni Angelica.

Pero bitin ang mga utaw dahil hindi na nagbanggit pa ang aktres kung bakit siya napunta sa ganoong desisyon, subalit nilinaw niya na hindi niya iiwan ang ABS-CBN at wala rin siyang plano na lumipat ng ibang network tulad ng ilang Kapamilya stars.

“But siguro hanggang dito na lang po muna ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera. Di ba exciting panoorin dahil ito na ang huling trabaho ko,” sabi ng aktres.

Sa kabila naman ng kanyang pagreretiro, sinabi ng aktres na ipinagmamalaki niyang nakasama pa rin siya sa serye.

Sa “Walang Hanggang Paalam,” gaganap sina Angelica at Paulo bilang magkasintahang magkakahiwalay at mauudlot ang pangarap na magkaroon ng isang buong pamilya dahil sa pagkakulong ni ng karakter ni Paulo.

Kasama rin sa cast ng “Walang Hanggang Paalam” sina Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Ronnie Lazaro, Mary Joy Apostol, Sherry Lara, Victor Silayan, Javi Benitez at Cherry Pie Picache, sa direksyon nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor under Dreamscape Entertainment.

Good luck on your endeavors, Angelica! We will miss you! Char!

Continue Reading

Concept News Central

Alice, nilinaw ang marijuana farm photo

Avatar

Published

on

Nilinaw ng aktres na si Alice Dixson ang mga kumalat na alingasngas kaugnay sa kanyang social media post kung saan ipinakita niya na dumalaw siya sa isang cannabis farm.

Inalis na ni Alice ang nasabing Instagram post at kasabay nito ay nagpaliwanag na siya kaugnay sa kuwento sa likod ng nasabing larawan.

Marami kasing netizens ang nag-usisa at nagpahayag ng saloobin nila dahil sa larawan ni Alice at ang ilan, sinabi na maaari daw imbestigahan si Alice ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Paliwanag naman ni Alice, sa Amerika kinunan ang larawan.

“Two weeks ago I posted a photo teaser to promote my upcoming Medical Marijuana vlog. While Cannabis is illegal in the Philippines it is legal in 11 US states where all my footage was shot in August 2019,” sabi ni Alice.

“My YouTube channel’s premise has always been about sharing information relevant to inspire health and happy living. And while I in no means advocate the use of marijuana recreationally, I do share information related to its medicinal use objectively without bias.”

“God Bless the Philippines and all those who effort to enhance the lives of others especially during this pandemic. Stay strong and take care,” dagdag niya.

So ayan, klaro na ha? Tsuk!

Continue Reading

Concept News Central

Celtics, buhay pa!

TDT

Published

on

Hindi sumuko ang Boston Celtics kahit na nanganganib na itong malalag sa Eastern Conference finals at pinaluhod ang Miami Heat, 121-108 upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa.

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang opensa ng Celtics at kumamada siya ng 31 puntos at sampung rebounds, habang nagdagdag naman si Jaylen Brown ng 28 puntos upang bumangon sa serye na may 2-3 kartada sa kanilang best-of-seven showdown.

Samantala, nanguna si Goran Dragic para sa Miami ng may 23 puntos, habang nagtapos naman si Duncan Robinson ng may 20 puntos.

“We got back to playing Celtics basketball,” sabi ni Kemba Walker. “I felt like early in the game we were a little frustrated, bickering at each other at the refs. We got out of it, and just let the game come to us.”

Ang mananalo sa serye ay makakalaban ang mananalo sa Los Angeles Lakers-Denver Nuggets series para sa NBA title.

“Boston played great in that second half, they deserved and earned what they got,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “We did not compete hard enough defensively and we paid the price for that. But you do have to credit Boston, they played with great force particularly off the dribble.”

Continue Reading

Concept News Central

Ang titigas ng kukote

TDT

Published

on

Habang lalong tumataas ang bilang ng mga nahahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, patuloy pa ring nagkukumahog ang pamahalaan na magkaroon ng istriktong health and safety protocols upang masawata na ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Halos ilang buwan nang paulit-ulit ang gobyerno na nagpapaalala sa publiko na dapat sundin ang mga inilatag na panuntunan na hakbang upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng may COVID-19.

Kung matatandaan, nagpatupad ng community quarantines ang gobyerno noong nag-uumpisa pa lamang kumakalat ang respiratory disease at ang ipinatupad na quarantine ng pamahalaan ay isa sa mga pinakamatagal na protocols sa buong Asya.

Kaya naman inaasahan din ng pamahalaan na susunod sa mga patarakan ang mga mamamayan dahil para sa kaligtasan din naman nila ang mga ipinatutupad na protocols bunsod ng COVID-19.

Pero marami pa rin talaga ang mga pasaway at matitigas ang ulo sa Pinas.

Nitong nakaraan lang, naiulat na may nahuling halos 100 katao na nag-party umano sa isang bar sa Quezon City.

Kahit alam na bawal pa rin ang pagbubukas ng mga nasabing establisiyemento, hayun, sige pa rin ang paglabas at pagpaparty.

Mabuti na lamang at may mga concerned citizens na nagsumbong sa mga kinauukulan dahil kung hindi, malamang ay tumaas na naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sabi ng pulisya, posibleng maharap ang mga nahuli sa patong-patong na reklamo gaya ng paglabag sa mga ordinansa sa curfew, liquor ban, physical distancing, hindi pagsusuot ng face shield, at mass gathering.

Sa Makati naman, may napaulat na tatlumpung foreigners ang nahuli sa loob ng isang KTV bar dahil bukod sa paglabag sa social distancing protocols, wala rin umanong suot na masks at face shields ang mga ito.

Tsk. Naloko na.

Paano magkakaroon ng saysay ang mga ipinatutupad na mga patakaran upang malabanan ang pagkalat ng beerus kung marami pa rin ang makukulit at mga pasaway na gaya ng mga ganitong establisiyemento at mga parokyano nito?

Sayang lang ang effort ng gobyerno at ang sakripisyong ginagawa ng mga mamamayang sumusunod ng maayos sa mga patarakan dahil alam nilang nakasalalay sa pagsunod sa protocols ang kaligtasan nila.

Kung ganyan din lang na umaasta ang iba na parang walang nakamamatay na sakit na kumakalat, baka magkatotoo na yung biruan sa social media na “Matira ang matibay.”

Pero huwag na sanang paabutin sa ganoon. Huwag na rin sanang matigas ang kukote.

Sabi nga ng isang pulitiko: “Use your kukote, kundi, patay!”

Continue Reading

Concept News Central

UV light, nakaka-kanser?

Avatar

Published

on

Inihayag ng Department of Health (DoH) na posible umanong magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ang labis na paggamit ng UV disinfection light bunsod sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa DoH, ang labis na paggamit ng mga nasabing UV lights ay maaari umanong magdulot ng iba’t ibang sakit – kablinag na ang kanser.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maituturing umanong “carcinogenic” – o may tsansang magdulot ng kanser – ang labis na exposure sa UV light at posible rin umanong magdulot ito ng pamumula ng balat at makaapekto sa mata.

“Kung gagamitin sa bahay at establishments, kailangan mag-ingat. ‘Yung exposure can cause harmful effects to the body na halimbawa na-expose kayo for 60 minutes or even four hours, na nagkakaroon ng pamumula ng mata, and of course, prolonged exposure to this can be harmful also kasi it is carcinogenic. It might cause cancer also,” saad ni Vergeire.

Paliwanag pa ni Vergeire, bagama’t matagal nang ginagamit ang UV light bilang disinfection method dahil pinaniniwalaan itong nakapapatay umano sa SARS-CoV2 virus na siyang nagdudulot ng COVID-19, wala pa umanong sapat na ebidensya na magpapatunay na ang UV light ay direktang nakapapatay ng SARS-CoV2.

Continue Reading

Concept News Central

Mga pedo, piyesta sa online challenge!

Avatar

Published

on

Isang tech expert ang nagbabala sa publiko kaugnay sa mga kumakalat ngayon sa social media na tinatawag na challenges kung saan hinihimok ang mga netizen na ipost ang larawan ng kanilang mga anak. Ayon sa ekspertong si Art Samaniego, nagiging mas madali umano para sa mga sexual predators at mga pedophiles na makakuha ng mga larawan ng mga bata dahil umano sa mas mabilis na pag-search sa mga ito gamit ang “hashtag.”

Paliwanag ni Samaniego, kapag mayroong “#” o hashtag ang isang post, nasasama ito at nakukumpol sa isang database kung saan kapag kinlick ito ay lalabas lahat ng post na may kaugnayan dito.

“Pinapangambahan ngayon na puwedeng gamitin ito ng online predators. Ida-download nila at puwede nilang magamit,” saad ni Samaniego sa isang panayam.

Kung matatandaan, kumalat sa social media ang mga challenges na nagtrending gaya ng “#drop_your_beautiful_daughter_challenge” na siya namang ikinabahala ng ilang grupo dahil sa panganib na maaaring dalhin nito.

Sinabi naman ni Samaniego na base sa kanilang pagsi-search, nakikita na nila ngayong may mga larawan ng mga batang umiikot na sa dark web o bahagi ng internet na ‘di basta-basta puwedeng ma-access ng karaniwang tao.

“So nandito ‘yung mga criminal, drug addict, pedophile nagkikita-kita. May mga pictures doon ng mga bata na shine-share at maaring makuha ang mga pictures na ito dahil ang dali-dali na niyang hanapin ngayon, click mo lang hashtag na ‘yun, makikita mo na photos ng mga bata,” paliwanag ni Samaniego.

Dagdag pa niya, mas pinapadali umano ng mga ganitong klaseng challenges ang trabaho ng mga masasamang loob na maghanap ng mga larawang maaaring dalhin sa sinasabing dark web.

“Ito ‘yung masama. Papayag ka ba bilang magulang na ‘yung picture ng anak mo kumakalat sa mga grupo ng mga pedophile na nagtatago sa dark web? Siyempre hindi. Kaya ito dapat ingatan natin. Hindi naman masama mag-share, pero tingnan natin dapat ‘yung privacy settings natin na hindi natin dapat gawing public,” saad ni Samaniego.

Continue Reading

Concept News Central

KONTI LANG!

Avatar

Published

on

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa lampas limang libong drug suspects ang nasawi sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon sa PDEA, 5,856 umano ang mga namatay simula noong inumpisahan ng Duterte administration ang drug war na mas kaunti umano kaysa sa mga ibinabalita ng ilang mga non-government at rights groups sa bansa.

Sa datos mula sa PDEA, nasa 176, 777 ang kabuuang anti-illegal drugs operations na isinagawa simula noong Huly 1, 2016 hanggang Agosto 31 2020 at 256,788 na mga drug suspects ang umano’y naaresto.

Sa kabuuan nang mga naarestong indibiduwal, nasa 10,308 ang kinonsidera bilang high value targets kasama ang 282 foreign nationals, 352 elected officials, 102 uniformed personnel, 431 government employees, 2,957 listed targets, 746 drug group leaders at members, 66 armed group members, 986 drug den maintainers, 229 listed wanted individuals, 16 celebrities at prominenteng personalidad at 4,141 mula sa high-impact operations.

Sinabi rin ng PDEA na nasa kabuuang P43.69 bilyong halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng ahensya, habang nasa 620 dens at mga tinatawag na clandestine laboratories ang nabuwag sa mga operasyon.

Ayon pa sa anti-illegal drugs agency, nasa kabuuang 20,165 barangays ang nalinis na habang 14,171 pa ang kasalukuyang nililinis mula sa illegal drugs.

Nasa 3,322 na mga kabataan naman na umano’y sangkot sa mga illegal drug activities ang nasagip ng ahensya.

Kung matatandaan, naging kritikal ang oposisyon at mga kritiko ng administrasyon – kabilang ang ilang local at international human rights groups dahil umano sa mga nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Malayong-malayo umano ang datos ng PDEA sa mga nailabas na datos ng ilang non-government organizations, human rights groups, activists at ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UNHCR) kung saan nasa 27,000 na umano ang namatay.

Continue Reading

Concept News Central

Bilang ng presinto, doblehin na – Monsod

Avatar

Published

on

Kaysa isulong ang pagpapaliban sa 2020 national elections, dapat umong dagdagan na lamang ng Commission on Elections (Comelec) ang bilang ng polling precincts para masunod ang health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay dating Comelec chief Christian Monsod, mas makabubuting doblehin na lamang ang bilang ng mga presinto upang hindi magkaroon ng problema sa pagsunod sa mga inilatag na health protocols ng gobyerno laban sa COVID-19.

“The Comelec can conduct elections in more precincts. There are enough teachers. There are provisions in the law who can be substitute teachers if there are not enough in the area and then you have the citizens arm,” saad ni Monsod.

Dagdag niya, dapat din umanong pag-aralan ng Comelec kung ang pagpapaliban ng eleksyon ang solusyon dahil marami pa naman umanong magagawa upang masigurong matuloy ang national elections sa ligtas na paraan.

“Damihan nila yung presinto, double the number of precincts or add 50 percent more precincts. They can do that,” ani Monsod.

Kung matatandaan, sinabi ng Comelec na pinaghahandaan na nitong gawing dalawang araw o higit pa ang botohan sa Mayo 9 sakaling magtutuloy-tuloy pa rin ang COVID-19 pandemic hanggang 2022.

“Yung sinasabi nilang two days, three days baka masyadong masikip, walang distancing, eh ‘di increase the number of precincts. There are solutions,” saad ni Monsod at dagdag niya, dati nang nagawa ito ng Comelec.

“They have increased the number of precincts so that the number of registered voters can be reduced at mare-respect yung distancing,” sabi ni Monsod.

Samantala, naniniwala naman si Monsod na hindi mag-aappoint si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong opisyal ng Comelec na posibleng magsulong sa pagpapaliban ng halalan.

“Let’s not jump to conclusions naman that the president will automatically appoint people who will do his bidding. Siguro naman maraming qualified people na hindi tuta,” sabi ni Monsod.

Continue Reading