Connect with us

Concept News Central

Typhoon Ramon batters Cagayan

TDT

Published

on

Typhoon Ramon made landfall past midnight Wednesday and battered coastal villages in Sta. Ana, Cagayan with strong winds and rains. It continued to move towards the southwest and weather bureau PAGASA said it will significantly weaken through the day as it interacts with land masses.

A report by Agence France-Presse said at least 5,000 people have fled their homes with Typhoon Ramon poised to blast into the northern Philippines late Tuesday, with a second tropical storm forecast to hit just days later.

“We’re expecting falling trees and houses that could be inundated by floods,” provincial police chief Ariel Quilang told AFP.

Forecasters believe a second tropical storm could make landfall in the same province by Thursday.

The disaster-prone nation is hit by an average of 20 storms and typhoons each year, killing hundreds and condemning many areas in their path to perpetual poverty.

The weather bureau raised landslide warnings across the mountainous interior of the country’s north, also warning of floods and waves up to two metres (6.5 feet) high in coastal areas.

At least a dozen domestic flights have been cancelled and schools shut down due to Kalmaegi, while small sea vessels were ordered to stay ashore with gale conditions forecast at sea.

The Philippines’ deadliest cyclone on record was Super Typhoon Haiyan, which left more than 7,300 people dead or missing in 2013.

Ramon on Tuesday caused the raising of the tropical cyclone wind signal (TCWS) No. 3 over the northern portion of Cagayan, namely Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Allacapan, Lal-lo, Gattaran, Lasam, Baggao, Alcala, and Santo Niño.

Placed under TCWS No. 2  also on Tuesday were Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur and the rest of Cagayan. Under TCWS No. 1 were Isabela, Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union and Pangasinan.

p/jhd with AFP

Advertisement

Concept News Central

TikTok video ng KathNiel kasama si Gardo Versoza bentang-benta

Avatar

Published

on

Viral at trending na ngayon ang TikTok video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!

Aliw na aliw ang KathNiel fans nang mapanood ang sikat na celebrity couple sa kanilang first TikTok video together.

Salamat sa aktor na si Gardo Versoza dahil napakiusapan niya sina DJ at Kath na mag-join sa kanyang TikTok video.

Ipinost ito ng character actor sa Instagram recently na agad namang pinusuan ng napakarami niyang followers. Umani rin ito ng daan-daang comments mula sa KathNiel fans.

“Ito na po yung matagal niyo nang nirerequest cupcakes,” ang caption ni Gardo sa kanyang post. Pinasalamatan din niya ang King & Queen of Hearts dahil pumayag ang mga ito sa kanyang request.

Unang mapapanood sa video sina Gardo at Kathryn at sa bandang ending nga nito ay biglang lumabas si Daniel at gumiling-giling.

Halos lahat ng nag-post ng comment sa TikTok video ni Gardo ay tuwang-tuwa kay Daniel. Bihira lang daw kasi nilang makita ang ganitong side ni Daniel sa social media.

Kung hindi kami nagkakamali, ini-record ni Gardo ang video sa set ng upcoming project nina Kathryn at Daniel, ang digital movie series na “The House Arrest of Us” under Star Cinema.

Isa pang version ng TikTok dance video ang ipinost ni Gardo kung saan nakasama rin nina Kathryn at Daniel ang mga co-stars nilang sina Alora Sasam at Hyubs Azarcon.

Continue Reading

Concept News Central

Lakers hinablot ang Game 1

TDT

Published

on

Pinagbidahan nina LeBron James at Anthony Davis ang Los Angeles Lakers sa pagsungkit ng 116-98 panalo kontra Miami Heat sa Game 1 ng best-of-seven NBA Finals noong Huwebes.

Kapos na lang ng isang assist si James para makasumite ng triple-double nang magrehistro ito ng 24 points at 13 rebounds para sa Lakers habang si Anthony naman ay may 34 markers, pumitas ng siyam na boards at nagbigay ng limang assists.

Nagdagdag naman si Kentavious Caldwell-Pope ng 13 points para sa Los Angeles.

Mabagal ang naging panimula ng Lakers kung saan naiwan pa sila ng 13 points sa kalagitnaan ng first quarter bago liyaban ang pangkawalang scoring run. Mula rito ay kinontrol na ng Lakers ang laro para sa tambakang panalo sa kanilang unang tapak sa Finals mula noong magkampeon sa likod ni Kobe Bryant noon 2010.

Itinulak ni Davis ang Los Angeles sa kanilang pinakamalaking abante, 87-55, mula sa isang dakdak may 6:04 nalalabi sa ikatlong canto.

Tinapyas ni rookie Tyler Herro ang tambak ng Miami sa 109-96 may 2:31 na lang sa laro ngunit hindi na sapat ang oras para makaporma pa ang Heat, na nagbabalik sa Finals sa unang pagkakataon matapos ang runner-up finish noong 2014.

Pinangunahan ni Jimmy Butler ang Miami sa isinalansang na 23 points, si Kendrick Nun ay may 18 habang umiskor si Herro ng 14. Nalimitahan si Bam Adebayo sa walong puntos at apat na rebounds.

Matapos lumamang 25-12 sa first quarter, nanlamig na ang Heat kasabay ng pagbulusok ng Lakers.

Hindi rin nakatulong sa Heat ang pag-exit nina Goran Dragic at Adebayo dahil sa injuries habang iika-ika naman sa kabuuan ng laro si Butler matapos matapilok.

Continue Reading

Concept News Central

CAYETANO,UMAYAW, BUMALIK!

Avatar

Published

on

Matapos mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lumalalang tensyon sa House of Representatives, inihayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng House of Representatives.

Sa isang talumpati nitong Miyerkules, sinabi ni Cayetano na magbibitiw na lang siya sa puwesto dahil umano sa “pagmamadali” ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na sundin na ang napagkasunduang term-sharing sa pagitan ng dalawang mambabatas.

“I will not be a party to letting the President down. So I’m offering my resignation, here and now, to you my dear colleagues. My fate and the fate of the 2021 budget, and the fate of the leadership of the House is in your hands,” saad ni Cayetano.

Dagdag niya, magbibitiw siya sa umano sa puwesto upang bigyang daan si Velasco na patunayan ang sarili lalo na ngayong pinag-uusapan na sa Kamara ang 2021 national budget.

“Congressman Velasco told the President that he is ready. Then I think the best time for him to prove it is now. Gusto mo ng Sept. 30? Sige. If our colleagues want you today, ikaw na. Let him show that he can pass the budget on time, but more than that, let him show that it will be a great budget. A budget that all of us will be proud of,” sabi ni Cayetano.

Pero nagpahayag ng pagtutol ang ilang mambabatas sa pagbibitiw ng House Speaker.

Sa isang nominal vote, ni-reject ng Kamara ang pagbibitw ni Cayetano kung saan 184 ang nagsabing hindi sila papayag na magbitiw ang House Speaker, habang isa ang pumabor sa pagbibitiw at siyam ang nag-abstain.

Sa simula ng kanyang talumpati, inakusahan ni Cayetano si Velasco na gagawin lamang umanong “rubber stamp” ang Kamara dahil umano sa sinabi ng Marinduque solon na aaprubahan ang National Expenditure Program nang “as is.”

Dagdag pa ni Cayetano, hindi rin umano mananalo si Velasco bilang House Speaker at maaari rin itong matanggal sa puwesto ilang araw lang matapos maitalaga si Velasco bilang lider ng Kamara.

“Under the Constitution, you need the majority of all members to be elected speaker. So I can step aside. But I can guarantee he will not be elected,” sabi ni Cayetano.

“In fact, I will make a fearless forecast: Hindi siya mananalo. Or if I step aside, mananalo siya after one week makukudeta siya. Bakit? Maraming popular sa Kongreso,” dagdag niya.

Si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, bumoto laban sa pagbibitiw ni Cayetano, pero paliwanag niya, kailangan umanong umalis sa puwesto ang House Speaker sa Oktubre 14 para sa pagpapatupad ng term-sharing agreement.

Sa ilalim ng tinatawag na “gentleman’s agreement” na isinagawa ni Duterte noong isang taon, si Cayetano ang mamumuno sa Kamara ng labinlimang buwan at pagkatapos noon ay si Velasco na ang mamumuno sa Kamara sa loob ng 21 buwan.

Continue Reading

Concept News Central

Game 1 ng NBA Finals, raratsada na!

Ian Suyu

Published

on

Gustong talunin ni LeBron James ang Miami Heat.

Ang Heat naman ay nais padapain si LeBron James.

Magkakaalaman na ngayong Huwebes kung sino ang bubuwenasin sa pagsisimula ng NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers na tatrangkuhan ni James kontra sa dati niyang koponang Miami.

Susubukan ni James na bitbitin ang Lakers pabalik sa trono simula nang huling maupo rito ang tropa noong 2010 sa pagbalikat ni Kobe Bryant. Habang ang Heat naman ay balak sungkitin ang kanilang ikaapat na korona at una mula nang ihatid ni James ang titulo sa Miami noong 2012 at 2013.

“I’m here for one reason and one reason only, and that’s to compete for a championship,” ani James na nasa kanyang ika-10 Finals at hanap ang kanyang ikaapat na titulo.

Ito naman ang unang tuntong ng Heat sa Finals mula nang matalo sa San Antonio Spurs noong 2014 – ang huling taon ni James sa team bago bumalik sa Cleveland.

Plano ni Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra na mapigilan ang dati niyang pangunahing sandata na si James.

Hindi rin nagtipid si Spoelstra sa pagsabi ng kanyang paghanga kay James.

“I just think it is a true testament to his greatness to be able to sustain this type of success year in, year out,” aniya.

“Different uniforms, new players and new teams going after him. It’s a real testament to that commitment. He’s seen everything. At this point in his career, it’s just about winning. And his ability to do what he does at his age is incredibly uncommon. But there’s a lot of work that goes on behind the scenes to be able to maintain that.”

Ganoon din naman si James, “I’m not going to sit up here and act like I don’t know what Spo is all about, because he’s damned good, if not great.”

Continue Reading

Concept News Central

Ellen, bumuwelta sa bashers!

Avatar

Published

on

Dahil pansamantala munang inactive sa showbiz ang sexy actress na si Ellen Adarna, marami na siyang oras para gawin ang mga gusto niyang gawin.

At siyempre, nakatambay din sa social media si Ellen, at huwag ka, hindi niya pinalalampas kung mayroong nambabash sa kanya, at sinasagot niya talaga ng diretso kahit sinong nang-nenega sa kanya.

Nito lang kasi, may mga nambash sa aktres matapos siyang magpost sa social media ng isang video na kinunan mula sa binisita niyang waterfall kamakailan at tinawag ang aktres na “lakwatsera.”

“Bakit pala ghorl na mukhang boy na mukhang ghorl…di ko alam kung paano kita i-address kasi nalilito ako kung babae ka or lalaki,” ang sagot ni Ellen sa nasabing basher.

“First, this is my life and 2nd dalaga or not, people need a break. Huwag mo masyado ipahalata ang pagka-ignorante mo ghorl na mukhang boy… hindi maganda,” dagdag niya.

At hindi lang iyan, may isang netizen din ang nahagupit ng malupit na clapback ni Ellen matapos itong humingi umano ng nude photos ng dalaga.

Talagang hiniya niya ang netizen sa publiko matapos ibandera ang pangalan at litrato nito at ipangalandakan ang ginawa sa kanya.

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kanya ng lalaki na nanghihingi nga ng nude photos niya.

“This fool,” ang inilagay niyang caption sa kanyang post na pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga fans.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Ellen sa kanyang followers ang Facebook profile ng netizen para ipaalam kung sino ang taong nagpadala ng “indecent message” sa kanya.
Go lang Ellen! Tsuk!

Continue Reading

Concept News Central

POC elections, hindi pa sure?

Ian Suyu

Published

on

Mukhang magkakaroon pa ng aberya ang Philippine Olympic Committee (POC) elections sa darating na Nobyembre.

Ayon kay POC director Clint Aranas, nagkakaroon na umano ng agam-agam ang ilang mga miyembro ng POC kung itutuloy pa ang eleksyon bunsod sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Dagdag pa ni Aranas – na siyang nakikitang lalaban kay incumbent POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa POC elections – na ang mungkahi ay nagmula kay dating POC president Monico Puentevella sa ginanap na general assembly ng grupo.

Sabi ni Puentevella, magiging imposible umano para sa kanya at sa iba pang POC executives na magpunta sa Maynila upang bumoto dahil sa mga ipinatutupad na restrictions bunsod ng pandemya.

Nasa Bacolod ngayon si Puentevella at gaya niya, nasa kanya-kanyang probinsya rin ang ibang POC officials na gaya nina Prospero Pichay ng Surigao del Sur at Richard Gomez ng Ormoc City.

“Nothing is final at the moment. They have decided to hold another executive council meeting to discuss these topics,” sabi ni Aranas. “Monico has been moving for the postponement of the elections due to the pandemic, saying that there is no available flight from Bacolod. Bambol made an objection and, instead, referred it to the executive board for discussion.”

Pero hindi umano magiging madali ang pagpapaliban ng POC elections dahil kailangan muna nilang paaprubahan ito sa International Olympic Committee (IOC) at kailangan din umanong amyendahan ang kanilang constitution at by-laws sa isang general assembly para maaprubahan rin.

Ayon naman kay Aranas, may mga mungkahi na gawin na lamang ang eleksyon sa pamamagitan ng virtual conference.

“Yes, it was raised. But Monico said that secret balloting through an online platform is not in our constitution,” sabi ni Aranas. “We still haven’t settled the dates. Maybe the only sure date is 27 November. But regarding the venue and other matters, we don’t know yet.”

“Postponing the elections is really a genuine concern, it is rationally based on this pandemic. But we are not sure on what might be their decision,” dagdag niya.

Continue Reading

Concept News Central

Kathryn, thankful sa maraming bagay

Avatar

Published

on

Mga mars, dahil sa biglang pagputok ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa, nami-miss na pala ng aktres na si Kathryn Bernardo ang bahay niya sa Cabanatuan. Dahil sa trabaho at travel restrictions ay hindi na siya nakakauwi nitong nakaraang mga buwan.

“Nitong past few months nung start ng lockdown, hindi na talaga ako nakakauwi kahit gustong-gusto kong umuwi at miss na miss ko na yung Cabanatuan at saka yung house namin. Medyo nakakalungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming work na dumadating. Si Papa na lang ang laging lumuluwas to meet us dito sa Manila dahil mabilis na ang biyahe ngayon pauwi at papunta ng Nueva Ecija,” kuwento ni Kathryn.

Tulad ng maraming Pilipino ay nag-aalala rin si Kathryn sa kanyang kalusugan. Bukod pa dito ay ang pag-aalala sa mga kababayan niyang sa Nueva Ecija na apektado ng pandemya.

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones. As I always say, di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kayang lampasan. But we have to take care of our health, asset po natin yan sa panahong ito,”she says.

Bilang endorser ng mga brands ng San Miguel Corporation na tulad ng Magnolia Ice Cream, San Mig Coffee Crema White, at Nutrichunks, natutuwa siya na magtatayo na ang kumpanya ng Manila International Airport at economic zone sa katabing probinsya na Bulacan. Naniniwala siya na makakatulong ito sa ekonomiya ng bansa at maging sa Nueva Ecija.

“Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families. If possible nga na magawa na yan agad so we can already attract businesses and give people jobs. A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” wika ni Kathryn.

Maliban dito ay makakatulong rin ito sa mga negosyante at magsasaka na gumagawa ng pagkain at raw materials.

“If you need to transport products quickly or perishable yung goods mo, big advantage yung magkaroon ng accessible na airport like the one sa Bulacan. I’m sure this is a positive sign for many businesses in Nueva Ecija and even as far as the north like Baguio, Pangasinan, and Ilocos. Mahirap isipin now because a lot of businesses are struggling, but when the time comes na matapos na yung pandemic, then the airport will be ready and we can start and help a lot of people recover,” saad pa ng aktres.

Aniya, mabubuksan rin ang Luzon, kabilang ang kanyang probinsya sa mga turista, lalu-lalong na sa mga taga-ibang bansa dahil mas madali nang makakabiyahe.

“From our house in Cabanatuan, it’s either we use Clark or go straight to NAIA to fly out. But in Manila, I always have to brave the traffic going to the airport and it is difficult pag naghahabol ng flight. We all experience this naman po, we have to be there hours before our flight,” kuwento niya.

“But with the new airport, there’s another better option. And from what I heard, it’s going to be really big, spacious and modern. If sanay ka sa big airports like in Japan, Korea and in Europe, it’s going to be that big and I’m proud to be part of the San Miguel family that is making this happen,” dagdag niya.

“Matagal na yung San Miguel, and maganda yung reputation nya so I’m sure like sa TPLEX sa amin sa Nueva Ecija and yung iba pang projects nila ay maganda rin yung quality ng work, like their products that I endorse. Hopefully, pag maagang matapos yung Bulakan airport at may time at pwede nang magbakasyon, makakasakay rin ako dyan. Just praying and hoping na matapos na po itong crisis para we can live our lives normally like we are used to,” sabi pa ng dalaga.

Continue Reading

Concept News Central

Walang takot, walang pabor

TDT

Published

on

Mukhang lalong gumulo sa House of Representatives ngayong mga panahon na ito.

Matapos kasing mamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lumalalang sitwasyon sa Kamara dahil sa pagpapatupad ng term-sharing agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco, mukhang hindi pumabor sa incumbent Speaker ang naging kinahinatnan nito.

Ang siste kasi, sinabi na umano ng Pangulo na kailangan nang tuparin ang kasunduan kung saan si Velasco na ang magiging House Speaker sa Oktubre gaya ng napagkasunduan ng magkabilang panig bago naging Speaker si Cayetano.

Okay na sana. Malinaw na dapat ang lahat.

Pero kahapon, nagtalumpati si Cayetano sa Kamara upang ilahad umano ang mga nangyari sa likod ng pagpupulong.

Parang batang inagawan ng kendi na nagsusumbong si Cayetano sa Kamara kung paano daw umano hiniling ng Pangulo kay Velasco na ipagpaliban ang term-sharing deal hanggang Disyembre na hindi naman pinagbigyan ng Marinduque solon.

Ang matindi pa, inakusahan din ng House Speaker ang Daily Tribune na nagpapakalat umano ng “fake news” kaugnay sa naging kinalabasan ng kanilang pagpupulong kasama ang Presidente.

Inakusahan rin Cayetano ang may-ari ng Daily Tribune na umano’y may PR campaign upang siraan umano siya sa kanyang pamamahala sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kanyang talumpati, pinaratangan ni Cayetano na “fake news” umano ang banner ng Daily Tribune na “Velasco prevails as Speaker” na lumabas nitong Miyerkules, pero hindi siya umimik sa kung ano ang laman ng istorya.

Sa ganang amin, mukhang below the belt si Speaker dito.

Maituturing na fair coverage ang nangyaring pagpupulong nila kasama ang Pangulo at isa pa, ang buong sambayanan ang nakatutok sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pag-uusap.

Wala rin namang umalma sa lumabas na artikulo at kinumpirma ito ng mga reporter ng Daily Tribune sa iba’t ibang mga sources – kabilang na ang mga kasama sa nasabing pagpupulong.

Ang hindi lang talaga namin maintindihan, bakit kailangan pa talaga ng ganitong klaseng “drama” dahil ang pinag-uusapan lang naman ay kung susundin ang term-sharing o hindi.

Sadya bang nasaktan lang ang House Speaker sa kinalabasan ng pagpupulong nila ng Pangulo, may mas malalim pa bang dahilan o talagang nagdadahilan na lang dahil sa ayaw nilang sundin ang napagkasunduan?

Iyan ang tanong namin. Sagutin man o hindi, kayo na ang bahala, dahil ang Daily Tribune ay nananatiling sumusunod sa mantra nitong “Walang takot at walang pabor.”

Continue Reading

Concept News Central

Gentlemen’s agreement

Alvin Murcia

Published

on

Lintik din naman ano po mga brad, kung hindi pa diniinan ni Presidente Rodrigo Duterte ang napagkasunduan na 15-21 na hatian sa pagiging Speaker of the House of Representatives ay hindi bibitaw itong si Taguig City Representative Allan Peter Cayetano.

Meron pa siyang sinasabi na suportado ng “super majority,” eh alam naman ng lahat na ito ay gawa-gawa lamang ng kanyang mga kaalyado na tiyak na mawawala sa puwesto nila sa Kamara kapag umupo na itong si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Siyempre, kapag wala na sila sa poder, goodbye na rin ang kanilang tinatamasang “ayuda” mula sa kaalyadong Speaker of the House.

Napakalinaw ng agreement — na brokered by the President himself — at nilagdaan nila para mas matibay, pero noong nakakatikim na ng poder ay tila ayaw nang bumitiw itong si Rep. Alan at sinasabing nagtatangkang magkaroon ng coup d’etat against him ang puwersa ni Velasco samantalang nananahimik lang naman ang mama.

Hinayaan ka na nga na mamayagpag at bigyan ang iyong mga kaalyado ng napakalaking bulto ng proyekto… at siyempre, mas malaki ang sa Taguig City dahil tumataginting na P10 bilyong ang alokasyon para sa proyekto ng kanyang distrito.

Aba, malaking probetso ito dahil malapit na ang national elections at ang distribution ng pondo sa kaalyado, lalo’t kasama sa partido (Nationalista Party) at siyempre ang may timon sa proyekto na DPWH na ang namumuno ay anak ng top honcho ng NP, alam na ninyo ang karugtong.

Pero knowing Rep. Cayetano, hindi natin maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at naging tila kapit-tuko sa puwesto at nagkaroon pa ng manipesto na pirmado ng mayorya at minorya.

Ang mga ganyang diskarte ay istilo ng mga lumang pulitiko na gustong manatili sa puwesto dahil nasarapan. “Power begets Power.” Kaso, hindi puwede kay Tatay Digong iyan brad, dapat meron tayong Palabra de Honor at iyan ay sundin ang “gentleman’s agreement” na pirmado ninyo.

Hindi pa ba sapat ang 15 buwan pag-upo sa puwesto at gusto pang tapusin ang buong termino ng administrayong Duterte? Huwag naman po ginoong outgoing Speaker. Mas tatandaan ka ng mga tao kung ipapakita mo na ikaw ay isang maginoong tao.

Totoo po Mr. outgoing Speaker, you will be remembered at what you have done good to others and how you carry yourself in a gentlemanly way.
Good Luck!!!

Continue Reading
Advertisement
Advertisement
Advertisement