Daily Tribune

DYARYO TIRADA

20 granada natagpuan sa Dinalupihan

Jonas Reyes · Nov 30, 2026, 1:46 AM

Photogrpah courtesy of Bataan Police Provincial Office

Tinatayang nasa 20 hand grenade ang natagpuan sa Barangay Roosevelt sa bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Batay sa mga ulat na isinumite sa mga awtoridad, agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Dinalupihan Municipal Police Station matapos makatanggap ng ulat mula sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team.

Ito ay hinggil sa pagkakatuklas ng isang nagmamalasakit na mamamayan sa mga hinihinalang hand grenade sa ilalim ng isang kulungan ng manok.

Agad ding nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Bataan Provincial Explosive and Canine Unit para sa wastong pagsusuri at ligtas na pagbawi sa mga hinihinalang pampasabog.

Hinikayat ni Salvadora ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang bagay sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng hindi paghawak o paggalaw sa mga hinihinalang pampasabog upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“Ang Bataan PNP ay nananatiling tapat sa pangangalaga ng buhay at pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko sa buong lalawigan, sa matatag na suporta at gabay ni PBGEN Jess B Mendez, RD, PRO 3, at alinsunod sa Focused Agenda ni PGEN Jose Melencio C Nartatez Jr, Chief, PNP,” dagdag pa nito.