DYARYO TIRADA
Spurs tinumba ang Lakers
Nagawang makabalik ng San Antonio Spurs kontra sa Los Angeles Lakers matapos mabaon sa 20 puntos na kalamangan sa kanilang NBA Cup match-up nitong Sabado sa Frost Bank Center, San Antonio.
Panalo na, naging bato pa—ang siyang sinapit ng Lakers sa kamay ng Spurs, sa likod ng 25 puntos at 16 rebounds ni Victor Wembanyama at 26 puntos ni Stephon Castle, upang ipanalo ang laro sa 99-96.
Nakasiguro ang Spurs ng puwesto sa knockout stage ng NBA Cup bilang wild-card team matapos ang panalo, habang tuluyan namang natanggal ang Lakers sa torneo.
Gumawa naman si Luka Doncic ng 31 puntos, walong assists at anim na rebounds, katuwang si Walker Kessler na nagtala ng double-double na 10 puntos at 13 rebounds. Umambag din si Austin Reaves ng 21 puntos, Collin Sexton ng 12, at Jake LaRavia ng 10.
Malaking kalamangan ang agad na naitarak ng Lakers upang bigyan ng pagsubok ang Spurs, matapos magtala ng 54-38 na bentahe sa pagtatapos ng first half.
Ngunit sa pagpasok ng third quarter, tila nabuhayan ang Spurs at kumamada ng 30-14 upang maibaba ang kalamangan ng Lakers at maitabla ang laban sa 68-68 bago ang huling yugto.
Sa fourth quarter naman, nalimitahan ng Spurs si Doncic sa anim na puntos, dahilan upang mahirapan ang Lakers na bawiin ang kalamangan. Sa kabila nito, sinubukan ni Reaves na sumalba sa koponan matapos magdagdag ng 13 puntos sa huling yugto, ngunit kinapos pa rin ang Lakers.
Dahil sa panalo, aangat muli sa unang puwesto ang Spurs sa kanilang 16-4 na rekord, na pumantay naman sa Philadephia 76ers para sa number one seed sa buong liga.