Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Mikha Lim, dyosang-dyosa!

Marie Cris Estrada · Nov 29, 2026, 3:14 AM

BINI Mikha Lim — Kuha mula sa IG ni Mikha Lim

Hindi na naman magkamayaw ang blooms maging ang solo stans nang ilabas ang solo portrait ng BINI member na si Mikha Lim para sa ginanap na Star Magical Christmas 2026 sa Okada Manila nitong 26 Nobyembre.

Mistulang isang diwata si Mikha sa kaniyang olive green ensemble na tampok ang draped crop top, flowing cape at mga palamuting tila kabibe.

Mas pinatingkad pa ang kaniyang goddess look ng earth-toned makeup, wavy hairstyle at pearl earrings na bumagay sa kabuuan ng kaniyang kasuotan.

Ang naturang look ay akma rin sa temang “Liwanag ng Pasko” ng selebrasyon ngayong taon, na nagbigay-pugay sa kultura at fashion ng mga Pilipino.

Muling pinatunayan ni Mikha na hindi lamang sa entablado kundi maging sa fashion ay kaya niyang umagaw ng eksena.

Hindi rin naman nagpahuli ang ibang members ng BINI na kani-kaniya ring ibinida ang kanilang goddess look sa magkakaibang earth-toned ensembles na tampok ang flowing fabrics, intricate draping at mga palamuting hango sa kalikasan.