DYARYO TIRADA
Celtics, pinataob ang Wizards
Halos siniguro na ng Boston Celtics ang kanilang puwesto sa quarter-finals matapos pigilan ang matinding paghabol ng Washington Wizards tungo sa 131-116 panalo sa kanilang road game sa East Group C.
Kumamada si Jayson Tatum ng 41 puntos para sa Celtics, habang nagdagdag naman si Paul George ng 28 at si Neemias Queta ng 21 upang putulin ang four-game losing streak ng Boston.
Tila papunta na sa isang tambakang panalo ang Celtics matapos umarangkada sa 34-puntos na kalamangan bago mag-halftime.
Ngunit bumawi ang Wizards sa third quarter matapos lamangan ang Boston, 40-24, at nakalapit pa sa pitong puntos na lamang sa huling bahagi ng fourth quarter, 119-112.
Muling nakabawi ang Boston sa crunch time, at ang dalawang sunod na three-pointers mula kay Baylor Scheierman ang tuluyang naglayo sa Celtics.
Ayon kay Tatum, simula pa noong nakaraang linggo ay naging mahirap ang laban para sa gripo dahil sa iba’t ibang dahilan, matapos ang apat na sunod na pagkatalo ng Boston bago ang laro noong Martes.
Sinabi rin ni Tatum na hindi na siya nagulat sa paghahabol ng Wizards.
“No lead is safe and they get paid to play basketball too, right?” aniya. “They’ve got a lot of talent over there so it was just a case of trying to weather the storm.”