DYARYO TIRADA
Hanging bridge sa Baler bumigay
Bumagsak ang hanging bridge sa Barangay Zabali sa bayan ng Baler, Aurora nitong Biyernes.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Baler, may ilang taong tumatawid sa tulay nang maputol ang isa sa mga kable nito, na naging sanhi ng pagkaluwag ng isang bahagi ng tulay at pagkahulog ng mga tao mula sa istruktura.
Kinumpirma ng MDRRMO na isang indibidwal ang nagtamo ng pinsala sa paa, kaya agad silang nagsagawa ng rescue operation at nagbigay ng atensyong medikal sa nasugatan.
Pansamantalang isinara ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Zabali ang tulay para sa kaligtasan ng publiko.
Hinikayat ng BLGU ang lahat na huwag munang gamitin ang nasabing imprastraktura dahil isasailalim ito sa maintenance at rehabilitasyon.