Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Marcos, balik kulungan!

DT · Nov 20, 2026, 10:10 PM

Kinumpirma ni National Police Commission Commissioner Ralph Calinisan na muling inaresto ang social media personality na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos, nitong Huwebes.

Inaresto si Mangusin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong ilegal na paggamit ng uniporme sa ilalim ng Revised Penal Code, kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Mangusin at dinala sa Camp Crame.

Batay sa inilabas na warrant ng Quezon City Regional Trial Court Branch 224, hindi kinakailangan ang piyansa maliban kung iutos ng korte.