DYARYO TIRADA
DPWH: Human error, sanhi ng insidente sa Gandara, Samar
Human error ang paunang natukoy na dahilan sa pagguho ng dalawang girder ng isang konkretong tulay na ginagawa sa Gandara, Samar, batay sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Public Works Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, lumabas sa paunang imbestigasyon na pagkakamali ng contractor ang sanhi ng insidente. Aniya, inamin mismo ng kontratista na inalis nila ang roller attachment sa tulay nang walang pahintulot mula sa DPWH.
Ang nasabing proyekto ay may halagang mahigit kalahating bilyong piso at bahagi ng 166-meter Gandara Parallel Bridge na itinayo bilang kapalit ng dating tulay na isinara noong 2020 matapos masira dahil sa pagdaan ng isang overloaded na truck.
Agad namang kumilos ang DPWH upang palitan ang dalawang gumuhong girder at maisagawa ang mga kinakailangang hakbang para maipagpatuloy ang proyekto.