Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Treasure hunting nauwi sa trahedya

Michael Pingol · Nov 20, 2026, 12:01 AM

Nasawi ang isang 60-anyos na mangingisda matapos siyang ma-trap sa isang hukay na may lalim na 10 metro habang nagsasagawa ng paghahanap ng umano’y nakatagong kayamanan sa Escalante City, Negros Occidental.

Batay sa ulat, naghuhukay ang biktima kasama ang ilang indibidwal sa isang lugar malapit sa dalampasigan nang biglang pumasok ang tubig-dagat sa kanilang hinuhukay na lugar.

Mabilis na napuno ng tubig ang hukay, dahilan upang ma-trap sa ilalim ang biktima at hindi na makalabas.

Agad naman siyang sinikap na sagipin ng kanyang mga kasama at isinugod sa ospital. Gayunman, idineklara siyang dead on arrival.

Isasailalim sa post-mortem examination ang labi ng biktima upang matukoy ang tiyak na sanhi ng kanyang pagkamatay.