DYARYO TIRADA
Raheel Bhyria muntik masampolan ng TRO
Ibinunyag ng Kapuso actor at Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0 housemate na si Raheel Bhyria na muntik na siyang masampahan ng restraining order ng mga magulang ng babaeng dati niyang kasintahan.
Sa kuwentuhan sa loob ng Bahay ni Kuya, natanong si Raheel ng kapuwa housemate na si Mikee Quintos kung ano ang “craziest thing” na nagawa niya para sa pag-ibig.
“The parents wanted to file a restraining order against me. We still went out to see each other. I love the girl so much kasi,” pagbabahagi ni young actor.
Saad niya, breadwinner daw kasi ng pamilya ang naturang ex-kasintahan kaya itinuring umano siyang masamang impluwensiya at hadlang sa career nito.
Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ng babae, patuloy pa rin silang nagkikita nang palihim hanggang sa may mga nakakita at nagsumbong sa pamilya nito.
Dalawa hanggang tatlong taon na umano ang nakalilipas nang mangyari ang insidente.
Tumanggi namang pangalanan ni Raheel ang babaeng tinutukoy niya.
“Ayoko, delikado,” ani Raheel.
Kinalaunan, humingi rin naman daw ng tawad sa kaniya ang pamilya ng babae.