DYARYO TIRADA
Elon Musk interesadong mamuhunan sa Pinas
Nagpahayag ng interes si Tesla at SpaceX chief executive Elon Musk na tuklasin ang mga oportunidad sa negosyo sa Pilipinas, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes.
Dumating si Musk sa Maynila noong 17 Nobyembre bago bumiyahe patungong China kasama si United States President Donald Trump para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Nakakuha ng atensiyon ang kaniyang pagbisita kasabay ng mga espekulasyong posibleng magkaroon ng mga bagong pamumuhunan sa bansa, kung saan mayroon nang operasyon ang kaniyang mga kumpanyang Tesla at Starlink.
Gumagawa ang Tesla ng mga de-kuryenteng sasakyan, habang nagbibigay naman ang Starlink, na pinatatakbo ng SpaceX, ng internet service gamit ang satellite technology.
Tinatayang nasa $913.1 bilyon ang net worth ni Musk, kaya siya ang pinakamayamang tao sa mundo, ayon sa Forbes.
Gayunman, hindi pa inilalabas ang detalye ng kaniyang maikling pagbisita at wala pang opisyal na kumpirmasyon hinggil sa posibleng pag-uusap tungkol sa negosyo o mga kasunduan sa pamumuhunan.