Daily Tribune

DYARYO TIRADA

75th Miss Universe hosts, commentators inihayag

Michael Pingol · Nov 19, 2026, 11:56 PM

Miss Universe Official Account

Inanunsyo na ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga host at commentator na mangunguna sa tatlong pangunahing gabi ng kompetisyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Miss Universe na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico.

Sina American host Mario Lopez at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang magsisilbing host ng grand finale sa Nobyembre 24, kung saan iaanunsyo at kokoronahan ang bagong Miss Universe. Makakasama nila bilang mga commentator sina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Zuri Hall.

Samantala, si Miss Universe 2001 Denise Quiñones ang magiging host ng Preliminary Competition sa Nobyembre 22. Sa yugtong ito, magpapakitang-gilas ang mga kandidata upang makakuha ng puwesto sa first cut.

Pangungunahan naman ni Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera ang National Costume Competition sa Nobyembre 21, kung saan itatanghal ng mga kandidata ang kani-kanilang kasuotan na sumasalamin sa kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng kanilang mga bansa.