Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Timor-Leste PM, umi-SB19 sa ASEAN Summit

Michael Pingol · Nov 18, 2026, 10:49 PM

Timor-Leste Prime Minister Rala Xanana Gusmão naki-indak sa closing ceremony ng ASEAN Summit 2026.

Naging tampok sa closing ceremony ng 49th ASEAN Summit sa Maynila ang Timor-Leste Prime Minister na si Rala Xanana Gusmão matapos itong makisabay sa pagsayaw sa saliw ng musika nitong Martes.

Namataan ang lider na masayang sumasabay sa kantang Together in Motion ng P-pop group na SB19, na nagtanghal kasama sina Julie Anne San Jose at Gary Valenciano.

Bukod dito, inawit din ng SB19 ang kanilang sikat na awiting Gento, habang binuksan naman ni Julie Anne San Jose ang cultural presentation sa pamamagitan ng kantang A Sky Full of Stars ng Coldplay.

Samantala, pormal nang ipinasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno bilang chairman ng 11-miyembrong ASEAN.

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singapore Prime Minister Lawrence Wong ang seremonya ng pormal na paglilipat ng pamumuno.