DYARYO TIRADA
Robi Domingo ninakawan ng halik
Nagimbal ang TV host na si Robi Domingo sa kapangahasan ng isang female fan nang mag-host siya ng isang event sa Isabela last Sunday.
Kumuha si Robi ng female fan mula sa audience para interbyuhin kasama ang dalawa pang host kabilang si Iñigo Pascual.
Sa interbyu ay tinanong ni Robi ang female fan na nagngangalang Daday kung sino ang favorite celebrity niya. Ang agad-agad na sagot ng female fan ay “ikaw.”
Kasunod niyon ay hinalikan ng female fan sa labi si Robi. Siyempre, gulat na gulat ang Kapamilya host sa kanyang ginawa.
Isang netizen, si Joan Facun Ricomano, ang nag-post ng kissing video sa Facebook noong 15.
“Makikita ng anak ko ‘yon! Grabe!.”
‘Yun na lang ang nasabi ng nabiglang TV host.