DYARYO TIRADA
Edukasyon sa ‘pagpapakatao’
[EDITORYAL]
May kasabihang Pinoy na, “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
Ngayong 49th ASEAN Summit kung saan nakapostura ang Pilipinas bilang host ng taon, tila umalingasaw ang baho na kahit matagal nang naaamoy ng mga Pinoy ay kinayayamot pa rin. Ito ay ang kawalan ng respeto sa kapwa!
Kung tutuusin, kilala ang bansa sa “Pinoy pride” kaya nga talamak sa ibang bansa ang Filipino baiting. Ngunit sa pagkakataon na ito, imbes na itaas ang banderang Pilipino at taas noong ipagmalaki na tayo ang kasalukuyang nangunguna sa tagpong dapat sana ay nag kinapapalakpak ng madla ay nauwi sa welga.
Ang araw na dapat sana ay ini-enjoy na lang ng marami dahil holiday ay napunta sa buong lakas na pakiisa kontra sa inisyatibo ng Pax Silica at isigaw na palayasin ang Presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump.
Nitong Linggo, malala ang ulat na binigay ng ilang grupo ng raliyista mula sa Liwasang Bonifacio dahil saad nila, may nagsaboy daw ng dumi ng tao sa buong lugar. Hinala ng marami, mismong mga owtoridad ang gumawa nito dahil sila lang naman ang may kagustuhang magpalayas sa mga raliyista habang bukambibig ng pamahalaan ang “zero tolerance policy.”
May mga ulat rin kung saan Nakita umano ng ilana ng “bomb bags” sa lugar, o yung mga pakete na naglalaman ng mabahong hangin, kaya’t posibleng doon nanggagaling ang amoy at hind isa mga hinihinang dumi.
Ngunit kahit na ano pa ang pinagmulan ng amoy, hinsay simpleng GMRC lang naman ito, o kung sa kasalukuyan ay Edukasyon sa Pagpapakatao, Pilipino kontra kapwa Pilipino. Konting respeto man lang sana sa boses ng mga katutubo, magsasaka, at maging mga menor de edad na nasa pagtitipon.
Masalimuot kung maituturing. Nitong Lunes ay higit sa 200 na ang inaresto sa Metro Manila batay sa tala ng Southern Police District. Ang pinakamalawakang pag-aresto sa isang araw sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Bakit ang mga Pilipino ang nililinis? Mga Pilipino ang tinatago sa kahoy na tabing? Samantalang pulang karpet ang nakalatag sa presidenteng mariing tinututulan ng mga Pinoy?
Ito ay hindi lamang usapin ng simpleng pagkakapantay-pantay, dahil pagod na ang mga bansa sa ilang siglo ng pananakop kung saan mas pinapaboran ang mga dayuhan kumpara sa mga lokal. Ang kalinisan ay para sa lahat, ang kagandahan ng kalsada ay para sa lahat, ang Magandang trabaho at serbisong pangkalusugan ay para sa lahat.
Kaisa ang mga Pilipino sa layunin ng pakikipag-kapwa, gaya ng ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gala dinner sa ASEAN. Marapat lamang na tulad ng mga magkakapit-bahay sa bans ana nagbibigayan ng ulam sa isa’t-isa ay maging maluwag din at mapayapa ang kalakaran sa mga karatig bansa sa timog-silangang Asya.
Ngunit kaakibat ng pakikiisang ito ay ang simpleng respeto sa kapwa gaya ng sinumpaan ng ng bawat isang mag-aaral na Pilipino. Ang pagigtingin ang dangal at katarungan sa pagkilos ng sambayanang makaDiyos, makakalikasan, makatao, at makabansa.