DYARYO TIRADA
SOGIE bill busisiin nang maigi
Nanawagan ang ilang relihiyosong grupo sa House of Representatives (HoR) na busisiin nang maigi ang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill matapos ang umano’y mabilisang pag-usad nito kahit hindi sapat na napakikinggan ang mga organisasyong tumututol.
Kasunod ito ng pag-apruba “in principle” ng House Committee on Women and Gender Equality sa naturang panukala noong ika-11 ng Nobyembre, matapos lamang ng isang sesyon.
Kabilang sa mga nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Council for Evangelical Churches (PCEC), Philippines for Jesus Movement (PJM), Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) at iba pang faith-based organizations.