Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Jackie Gonzaga, hindi na lang Ate Girl, Calendar Girl na!

Alwin Ignacio · Nov 17, 2026, 3:32 AM

Ang It’s Showtime Ate Girl ng Bayan, si Jakie Gonzaga, ngayon ay opisyal na hinirang bilang 2027 Calender Girl para sa pangmalaksang iinumin ng mga barakong totoo, ang Ginebra San Miguel.

Super belong na ngayon si Gonzaga sa liga ng mga pambihirang babae na naging mga calendar girl dati kagaya nina Anne Curtis, Marian Rivera, Pia Wurtzbach, Heaven Peralejo, Julie Anne San Jose, Sue Ramirez at Yassi Pressman.

Hindi naman kataka-taka at tunay na deserved na deserved ni Jackque Gyl (tunay na pangalan ni Gonzaga) ang kanyang bagong tagumpay kasi naman, totoong maganda ito, check. Maalindog, double check Mapanghalina, triple check. Mapangrahuyo, quadruple check. At mayumi, hindi basta-basta ang awrahan at dating, huh!

“Pantasya ko lang ito dati. Pangarap. Ngayon, nagkatotoo na,” pahayag ni Gonzaga sa kanyang panayam sa Manila Diamond Hotel Ballroom kung saan sa isang pulong balitaan nangyari ang paglulunsad sa kanya bilang 2027 Calendar Girl, “Isa itong malaking oportunidad. Upgrade pa nga kasi di ba, ang isa sa mga iniidolo ko, si Ms. Anne Curtis, naging calendar girl dati.”

“Empowering” ang isang salita na sinambit ni Gonzaga, bilang pantukoy sa kanyang damdamin tungkol sa pangyayaring ito.

Aminado rin ito na may kaba siyang nadarama dahil sa kanyang bagong title pero, ang sabi niya: “It’s a good kind of kaba. Alam ko na ang aking paging totoo sa sarli at kumpiyansa eh ma-a-appreciate ng lahat kaya, eto na nga, masayang-masaya ako.”

Anim na kalendaryo ang ilalabas sa merkado kung saan masisilayan ang iba’t-ibang awrahan at kaseksihan ni Ate Girl ng bayan, ang natatanging si Jackie Gonzaga.

Marami ang mga nadismaya at lungkot-lungkutan kasi nga sina Calix Esguerra, tinawag na “Ang Rampanalong Apo ng Pampanga,” at si Ethan Benares, na tinaguriang “Sporty Palangga ng Bacolod,” ang mga kauna-unahang pinatalsik sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 3.0.

Taga Star Magic si Esguerra at si Ethan naman ay Sparkle Artist. Sila ang may piinaka-mababang boto kaya babu na sila Bahay ni Kuya.

Para kay Esguerra, ang pagiging mas mature ang kanyang pinaka-malaking take away mula sa Bahay ni Kuya. At marami rin siyang mga natutuhan sa kanyang mga dating ka-housemates.

Si Benares naman inamin na siya ay isang introvert at importante sa kanya ang alone time. Hindi niya kayang ipagpalit agng pagiging totoo sa kanyag sarili at magpanggap na iba para lang manatili sa kumpetisyon.

Sa kasalukuyan, humaharap ang palatuntunan sa gusot dahil may pagtawag sa kanila ang MTRCB.