Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Celtics, tuloy lang sa pananalasa

James Pacala · Nov 17, 2026, 4:08 AM

Maddie Meyer/AFP

Dismaya ang inabot ng Dallas Mavericks matapos tambakan ng Eastern Conference no.1 seed na Boston Celtics sa iskor na 131-94, nitong Lunes..

Patuloy lang sa pananalasa ang Celtics sa kanilang impresibong opensa at pagkadena sa mga kalaban ng bellow 100 na puntos. Patunay nga ito ang kanilang panalo kontra Dallas Mavericks, kung saan pumukol si Jason Tatum ng 32 na puntos na may 5 out of 8 sa three-point area.

Nananatili sa tuktok sina Tatum at ang Boston ng East bitbit ang 11-2 na standing.

Ikalawa ang Boston ngayon sa may pinakamagandang defensive ratings sa buong liga, sumunod lamang sa Minesota Timberwolves. Nanguna sa Celtics ay ang bagong salta na si Paul George, na nagpapakita ngayon ng maganda performance parehas sa pag-iskor at pagdepensa.

Mayroon siyang 105.6 na ratings at mababa man kumpara sa ibang mga elite na defenders, malaki ang epekto ni George sa kartadang hawak ngayon ng Celtics.

Kamakailan lamang ay ginulat nila ang Philadelphia 76sers sa kanilang 123-101 na panalo sa bahay mismo ng Sixers.