Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Pinas, Australia, nilagdaan ang defense treaty

Michael Pingol · Nov 15, 2026, 7:46 PM

Trade Secretary Ma. Cristina Roque delivers her opening remarks at the 28th ASEAN Economic Community Council Meeting at Conrad Manila in Pasay City on Saturday, Nov. 14. Ministers are set to review the Philippines’ priority economic deliverables, including the ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA), and finalize recommendations for ASEAN leaders ahead of the 49th ASEAN Summit. — Zedrich Xylak Madrid

Lumagda ang Pilipinas at Australia sa isang makasaysayang kasunduan sa kooperasyong pangdepensa kasabay ng idinaraos na ASEAN Summit ngayong araw.

Pangungunahan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Australian Ambassador Marc Innes-Brown ang seremonya ng paglagda sa kasunduan. Saksihan mismo ito ni Australian Prime Minister Anthony Albanese bago magsimula ang ASEAN Summit, ayon sa Department of National Defense (DND).

Nauna nang sinabi ni Teodoro na pinag-usapan ang naturang kasunduan sa ikatlong pulong ng mga kalihim ng depensa ng Pilipinas at Australia na ginanap sa Australia noong Agosto.

Samantala, nilagdaan din ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang isang panrehiyong kasunduan na naglalayong palakasin ang digital na kalakalan sa Timog-Silangang Asya.

Pinagtibay ng mga pinuno ng kalakalan at ekonomiya ng ASEAN ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA), na naglalayong alisin ang mga hadlang sa paglilipat ng datos sa pagitan ng mga bansa at sa paggamit ng mga elektronikong sistema ng pagbabayad o e-payment.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, malaking hakbang ang kasunduan tungo sa paglikha ng mas matatag at maunlad na mga digital na ekonomiya sa hinaharap.

Target ng ASEAN na doblehin ang halaga ng digital economy nito mula sa tinatayang $1 trillion tungo sa $2 trillion pagsapit ng 2030.