Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Motorsiklo, sumalpok sa e-bike, rider patay

Michael Pingol · Nov 15, 2026, 7:35 PM

Patay ang isang 26-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isang 18-anyos na babae matapos magbanggaan ang isang motorsiklo at electric bike sa Barangay Primicias, bayan ng Mapandan, Pangasinan nitong Huwebes.

Ayon kay Mapandan Chief of Police Vincent Jasper Magsarili, naganap ang aksidente pasado alas-10 ng umaga sa provincial road ng nasabing barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon, patungong kanluran ang motorsiklo nang tangkain ng rider na iwasan ang isang butas sa kalsada. Dahil dito, napunta ito sa kabilang linya at nasalpok ang kasalubong na electric bike.

Kapwa nagtamo ng mga sugat ang dalawang driver, gayundin ang angkas ng motorsiklo, kaya agad silang isinugod sa ospital.

Gayunman, idineklarang dead on arrival ang 26-anyos na motorcycle rider. Samantala, nasa maayos nang kondisyon ang driver ng e-bike, habang patuloy namang ginagamot ang angkas nito.