DYARYO TIRADA
Imelda Schweighart at JM Yosures nagpatutsadahan
Walang habas ang parinigan between Miss Earth Philippines 2016 na si Imelda Schweighart at “Tawag Ng Tanghalan” 4th season grand champion JM Yosures.
Nagsimula ang lahat ng mag-comment si Imelda na mas mukha pang babae ang mga trans at bakla kaysa sa members ng BINI.
"Hoy BINI, mas mukha pang babae mga trans at bakla sa inyo - LGBTSB19," say ni Imelda.
Kaagad namang nag-react si JM at nag-post ng ganito sa kanyang Facebook account: "Ang taong gipit, sa BINI/SB19 kumakapit! Nakakaloka!"
Hindi ito nagustuhan ni Imelda at rumesbak kay JM: "Eh ikaw Jm Yosures? Sa bakla ka kumakapit para mapagawa yang ilong mo. After this post, hindi kita maaalala dahil yang ilong mo, maraming katulad. Magkakamukha kayo. Napagawa mo na ilong mo sa part na yan? Nag makeup ka na. Nag damit ng fake leather jacket tapos f na f mo na? Ano tawag sayo niyan? Mogi? They/them ka ba? Ang alam ko ang ngpapagawa lang ng ilong na pamen.. maminta. Mogi yarn."
"At naghasik na siya ulit ng lagim," sagot naman ni JM.
Samantala, nagpaliwanag si Imelda sa kanyang post about BINI.
“Quick explanation doon sa sinabi ko na mas mukha pang babae mga trans at bakla sa BINI. I’m not saying that as is. It’s a joke kasi ang daming trans na sinasabi palagi na mukha silang babae kaysa sa totoong babae. Okay?” paliwanag ni Imelda.